^

PSN Showbiz

John at Toni, friends pa rin!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Mabuti na lang at hindi naapektuhan ng isyu sa pagitan nina John Prats at Direk Paul Soriano ang pag­kakaibigan ng batang aktor at ni Toni Gonza­ga.

Naging emosyonal ang pagkikita ng mag­ka­ibigan sa ASAP ’07 nung Linggo nang tang­hali, yun ang una nilang pag­kikita pagkatapos ng isyu, walang nag­bago sa kanilang sa­mahan.

Aminado si John na nasaktan ito at ang kani­lang pamilya sa biniti­wang “no comment” ni Direk Paul tungkol sa pagdada­lantao ni Ca­mille, pero ayon sa ak­tor, nung manghingi ito ng pa­umanhin ay wala nang dahilan pa para mag­tampo ang pamilya sa director.

Wala nga namang problemang hindi naia­ayos sa magandang usapan, kailangan ding bukas ang puso ng mag­kabilang panig sa pang-unawa, para ma­tapos ang anumang problema.

Kasama ni Toni nung Linggo nang ha­pon sa The Buzz si Direk Paul, nasa isang tabi lang siya ng studio, nanonood lang sa aming inter­byuhan.

Hindi mahilig sa mga camera si Direk Paul, na­pipilitan lang siyang magpainterbyu dahil na rin sa pakiusap ng mga kaibigang hosts ni Toni, pero kung ang binatang director ang masu­sunod ay mas gusto niyang nasa likod lang siya ng mga camera.

Nung sabihin nga ni John na dapat daw kasi ay hindi naman siya ka­sa­hog sa isyu, pero kung bakit nakikisali pa si Direk Paul, ay tina­wagan kami ng kan­yang tiya­hing taga-Nueva Ecija.

Ano raw ba naman ang gustong palabasin ni John, na matakaw sa exposure si Direk Paul? Hindi man nito diret­song sinabi ay parang naba­basa na namin ang gusto nitong tu­kuyin, hindi nanga­ngarap na maging ar­tista si Direk Paul at naging bahagi na lang siya ng showbiz dahil sa relasyon nila ni Toni Gonzaga.

Mataas ang respeto ni Direk Paul sa showbiz, ito ang naging mundo ng namayapa niyang lolo (Nestor de Villa), pero meron din naman syem­pre siyang ibang linya.

Mas gusto niyang makilala siya ng publiko bilang magaling na director, maraming pata­lastas nang napapa­nood natin ngayon ang mula sa kanyang pa­ma­ma­hala, kilalang-kilala ang kahu­sayan niya sa pag­direk sa sirkulong kina­bibila­ngan niya.

Syempre’y binula­bog na naman ng pre­sensiya ni Direk Paul ang studio ng The Buzz, nanana­himik na nga siya sa isang tabi, pero talagang sinu­sundan pa rin siya ng tingin ng mga nan­dun.

“Heto ang piso, pa­uwiin n’yo na si Toni!” pabiro pang sabi ng isang bading na talaga na­mang gwapong-gwa­po sa boyfriend ni Toni Gonzaga.

* * *

Hindi namin napa­nood ang special ni KC Concepcion nung Ling­go nang gabi dahil sa mas nauna naming kom­­promiso, pero ha­bang nasa pagtitipon kami ay maraming men­­sahe sa text ang aming tina­tanggap, puring-puri nila ang dalaga ng megastar.

Kailangang bigyan namin ng espasyo ang mensahe ng kaibigang Obet Sapin, isang loya­lista ni Governor Vilma Santos, na nakikilahok sa mga kaganapan sa lokal na aliwan.

Makabuluhan ang komento ni Obet, kaila­ngang makarating ito kay Sharon Cuneta, dahil ito ang pinaka­buod ng opinion ni Obet na su­masaludo kay KC.

“Role model po ta­laga si KC Concepcion, very evident ang ma­gan­­dang pagpapalaki sa kanya ng megastar, ma­papahiya ang ma­raming local stars natin na puro pasaway at palaging involved sa mga iskandalo kay KC.

“I hope mapag-ara­lan po ni KC ang classic French song na “Hymne A L’amour”, napaka­ganda po ng version ni Josh Gro­ban nun, sa second album niyang “Closer.”

“The English Version is “If You Love Me” na pinasikat ni Brenda Lee nung 60’s, hope makan­ta po niya yun or ni Sha­ron mismo. Stun­ingly beautiful, intelligent, socially-aware, ibang klase talaga si KC!” papuri pa ni ka­ibigang Obet Sapin sa dalaga ni Sharon Cu­neta.

Nainterbyu namin si KC sa DZMM (Showbiz Mismo) nung Bi­yernes nang hapon, mabibilang mo ang pagbibitiw ng Ingles ni KC, Tagalog na Tagalog siyang sumagot sa mga tanong.

Apat na taon siyang nag-aral sa Paris, bago siya nagpunta sa Paris ay King’s language na ang ginagamit nila sa ba­hay, pero kung mag­salita sa Tagalog si KC ay walang kautal-utal.

Napakalayo niya sa mga taong isang linggo lang yatang nagbakas­yon sa ibang bansa, pero pagbalik sa Pili­pinas ay meron nang twang kung magsalita, susmar­yo­sep!

DIREK

DIREK PAUL

LANG

PAUL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with