Mariel di na dapat nag-comment

Walang ibang ambis­yon si Kuya Germs kundi ang parangalan ang mga tao sa showbiz. Kung natatandaan pa ninyo, sa kanyang Sunday show noon nagsi­mula ang pagbibigay ng tribute sa mga bete­ranong artista. Bago ang kanyang show, wala na­mang ginagawang gan­yan sa tv.

Sinimulan din niya ang Walk of Fame. Noong una consultant lamang siya sa nasabing pro­yekto, pero nawala nang lahat ang may mga inte­res noong araw, kaya ang ginawa ng master showman ay itinuloy niya kahit na siyang mag-isa lang.

Hindi pa natatagalan, sinimulan din niya ang Pa­radise of Stars, pa­rangal din ‘yan sa mga kapwa niya artista.

Ngayon naman ang gusto niya ay magkaroon ng isang red carpet premiere ulit ang pelikulang The Big Broadcast, bilang pag-alala sa gold­en anniversary ng peli­kulang iyon.

Ang The Big Broadcast ay itinuturing na pinaka malaking musical movie na nagawa sa ating bansa.

Sabi ni Kuya Germs, napag-usapan na raw nila ang tungkol dito ni Manay Ichu Maceda. Gusto rin niyang maka­usap ang iba pang mga taong may kinalaman sa pelikulang The Big Broad­cast.

Ang apat na bida sa pelikula ay sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Eddie Gutierrez at Jose Mari.

* * *

Nag-comment pa si Mariel Rodri­guez na mali raw si Joey de Leon dahil hindi na­man siya umiyak sa Wowowee, noong bina­banatan ni Willie Re­villame si Joey de Leon. Sinabi kasi ni Joey na isa sa mga kun­disyon niya ay makita rin ang dala­wang co-host ni Willie na umiiyak kagaya ng pag-iyak nila noong tinitira ni Willie si Joey on the air.

Bakit kaya kailangan pang mag-comment si Mariel. Kung hindi nga siya umiyak, baka naman hindi siya ang tinutukoy ni Joey. Hindi man siya umi­yak, baka ganoon ang ti­ngin ni Joey kasi umiyak naman talaga ang isa niyang kasamang co-host.

* * *

Gusto raw sana ng isang dating male sexy star na magbalik showbiz, kahit na sabihin pang father roles na lang ang puwede niyang gampa­ nan. Kaya nga lang ang tingin naman ng iba ay masyadong huli na ang kanyang ambisyon.

Sana kung hindi pa bulgar ang kanyang da­ting trabaho. Kasi kung babalik siya sa showbiz ngayon, tiyak na mara­ming lalabas na kuwento tungkol sa kanyang naging trabaho noong araw.

Show comments