‘Go to hell’

Nakatanggap ng text message ang isang kon­trobersyal na man­a­­ger kung saan naka­saad ang mga kata­gang “Go To Hell”. Pero hindi niya alam kung ang produ ba na galit na galit sa kanya ang may kagagawan nito. Umaasa ang man­a­ger na sana’y ma­ta­pos na ang gusot na kina­sasangkutan niya nga­yon tungkol sa kan­yang alaga.

Pero ang produ kaya talaga ang nag­text sa kanya ng “Go To Hell”? Baka may iba pang tao ang galit sa manager kaya naka­pag-text ng ganito. Di kaya?

Rica, Walang Special Treatment

Enjoy si Rica Pera­lejo sa kanyang role bilang si Sapphire na pa­nganay sa Jewel Sis­ters kasama sina Eme­rald Sarah Gero­ni­mo at Ruby (Maja Sal­vador) sa Panga­rap na Bituin. Ga­gawin ng tatlong mag­ka­kapa­tid na harapin ang mga pagsubok para maabot ang pa­ngarap na bi­tuin.

“Gusto ko ang role na ginagampanan ko ngayon kasi madalas mayaman ako pero nga­yon galing ako sa hirap hanggang sa su­mi­kat. Okey naman sa akin ang kumanta dahil re­cording artist  naman ako at nakaka­pag-con­cert sa ibang bansa kaya hindi na ako  nag-undergo ng singing lessons para sa tele­serye,” aniya.

Sa kabilang banda, full time student sa ka­sa­lu­ kuyan si Rica kung saan first year ito ng Crea­­t­ive Writing sa  Ateneo University. Alas-kwa­tro pa lang ay gi­sing na ito dahil may pang-umaga itong prog­­rama at pag­ka­tapos ay takbo na siya sa es­kwelahan dahil nagsi­simula ang klase nito ng 8AM. Kahit hi­rap ay enjoy naman ito sa pa­giging estu­dyan­te.

Inamin nitong wala siyang special treat­ment na natatanggap mula sa kanyang mga professor at kaeskwela dahil is­trikto nga ang mga guro niya.

Show comments