‘Go to hell’
Nakatanggap ng text message ang isang kontrobersyal na manager kung saan nakasaad ang mga katagang “Go To Hell”. Pero hindi niya alam kung ang produ ba na galit na galit sa kanya ang may kagagawan nito. Umaasa ang manager na sana’y matapos na ang gusot na kinasasangkutan niya ngayon tungkol sa kanyang alaga.
Pero ang produ kaya talaga ang nagtext sa kanya ng “Go To Hell”? Baka may iba pang tao ang galit sa manager kaya nakapag-text ng ganito. Di kaya?
Rica, Walang Special Treatment
Enjoy si Rica Peralejo sa kanyang role bilang si Sapphire na panganay sa Jewel Sisters kasama sina Emerald Sarah Geronimo at Ruby (Maja Salvador) sa Pangarap na Bituin. Gagawin ng tatlong magkakapatid na harapin ang mga pagsubok para maabot ang pangarap na bituin.
“Gusto ko ang role na ginagampanan ko ngayon kasi madalas mayaman ako pero ngayon galing ako sa hirap hanggang sa sumikat. Okey naman sa akin ang kumanta dahil recording artist naman ako at nakakapag-concert sa ibang bansa kaya hindi na ako nag-undergo ng singing lessons para sa teleserye,” aniya.
Sa kabilang banda, full time student sa kasalu kuyan si Rica kung saan first year ito ng Creative Writing sa
Inamin nitong wala siyang special treatment na natatanggap mula sa kanyang mga professor at kaeskwela dahil istrikto nga ang mga guro niya.
- Latest