Ogie, may prom night

Humingi muna ng dispensa kina Mother Lily at Roselle Mon­teverde-Teo si Ryan Agoncillo bago sabi­hing more concern siya sa quality ng My Kuya’s Wedding kesa box-office result. Pero, gusto rin niyang kumita ito da­hil first movie niya sa Re­gal at para kay Maja Salvador.

Samantala, hindi alam ni Ryan kung saan galing ang balitang mag­­po-propose siya ng kasal kay Judy Ann Santos sa year 2008. Na­gulat siya sa nabasa dahil wala pa silang ba­lak pakasal at mas pi­nag-uusapan nila kung saan sila titira after their wedding. Gusto nito sa may Alabang area at tiyak siyang pa­payag din ang girlfriend.

Hindi pa rin napag-uu­sapan ng dalawa kung saang simbahan sila pakakasal, pero hindi sa Manila Cathed­ral. May mga kuwen­tong naririnig si Ryan na naghihiwalay ang cele­brity couples na dito iki­nakasal at ayaw niyang mapasama sila ni Judy Ann sa listahan. Ibig sabihin, married life fo­rever ang gusto nito with the actress.  

* * *

Ngayong Monday ang 40th birthday ni Ogie Alcasid at isang mala-Prom Night party ang in-organize ng girl­friend niyang si Regine Velasquez sa tulong ng ina at kapatid ng actor/singer. Ganun ka-close ang singer-actress sa kanyang future in-laws.

‘Katuwa nga dahil binuking ng ama ni Ogie na pumunta na sila ng ina ng actor sa Bulacan, sa bahay nina Regine para pag-usapan ang future ng dalawa. Kapag naayos na raw ang mga papeles (annulment), mag­papakasal na sina Regine at Ogie. Puring-puri ni Mr. Herminio Al­casid ang mama­nuga­ngin dahil mabait at ma­hal ang pamilya.

Successful ang two-night concert ng mag­dyo­­wa na ikinatuwa ng producer na sina She­ri­lyn Reyes at Chris Tan   (ang huli rin ang di­rec­tor) at baka mag­ka­roon ng repeat. De­di­cated ni Ogie kay Re­gine ang mga kantang “Kung Ma­wawala Ka”  at “Hu­wag Ka Lang Ma­wa­wala” na ikinaiyak ng sing­er-actress na kung i-intro­duced niya nga­yon ay “My love.”

* * *

Nakasalubong na­min si Linggit Tan sa hall­­way ng ELJ Building at ibi­na­litang sa October 15 na ang simula ng Pinoy Big Brother Ce­lebrity Edi­tion 2. Nang tanu­ngin kung totoong kasali si Sandara Park, hindi ito sumagot, pero mala­kas ang tsikang ba­balik dito ang ex-girl­friend ni Jo­seph Bi­tang­col dahil kasali siya sa PBB Ce­lebrity Edi­tion.

Hindi rin nagbigay ng clue si Linggit kung si­nong celebrities ang papasok sa Bahay Ni Kuya, basta abangan na lang daw natin. For sure, may leak na lalabas ka­ya bago pa ang na­banggit na petsa, mala­laman na kung sinu-sino ang papasok.

Show comments