Iza, nalilinya sa mga foreign actors

Sa September 20 ang balik ni Iza Calzado mula sa Toronto, Cana­da sa shooting ng The Echo, pero hindi siya maka­ka­pagpa­hinga. Kailangan niyang bu­miyahe sa Batanes dahil sa Sept. 23 na ang first day shooting sche­dule niya ng Batanes: Sa Dulo ng Walang Hang­gan. Siya ang final choice ng Ignite Films na maging leading lady ni Ken Zhu ng F4 sa nasa­bing pelikula.

Sa phone kinausap si Iza tungkol sa project at dahil wala rito, ang GMA Artist Center ang nag-ayos ng kanyang schedule. Ang concern nito’y hindi maapek­tuhan ang shooting niya ng Desperadas dahil nag-promise kina Mo­ther Lily at direk Joel Lamangan na ito ang aasikasuhin sa kanyang pagbabalik.

After Jesse Brad­ford sa The Echo, si Ken Zhu ang makaka­pareha ni Iza sa Ba­tanes. Marunong mag-English ang Taiwanese singer-actor at wala silang magiging com­mu­nication problem habang nagsu-shooting.

*  *  *

Malakas sa airplay ang “Crazy Love,” car­rier single ng debut album ni Kim Chiu na “Gwa Ai Di” dahil ilang taxi na ang nasakyan namin at ang kantang ‘yun ang lagi naming naririnig. Dinig namin, maganda rin ang sales ng album na nagla­laman ng three Chinese songs.

Pamilyar sa fans ni Kim ang “Peng Yeo” dahil kinakanta niya ito noong nasa PBB pa siya. Ang “The Moon Re­presents My Heart” ay kinakanta ni Jerry Yan ng F4 sa kanyang mga show at wala na­man kaming back­ground sa title-track. Ha-ha-ha!

Nasa album din ang duet nina Kim at Gerald Anderson ng “I’ve Fal­len For You” na theme song ng latest movie from Star Cinema with the same title. Naurong sa September ang playdate ng pelikula sa ‘di namin malamang dahilan.

Mabait na bata si Kim dahil kahit matagal nang hindi nakikita ang ina, kasama pa rin ito sa kanyang pinasalamatan sa acknowledgement portion ng album. Pati relatives na walang bilib sa kanya dati ay pina­salamatan sa suporta raw sa kanya.

*  *  *

Birthday ni Maja Salvador sa October 5, at 19 years old na siya, pero wala siyang party. “Gastos lang ‘yun,” sabi nito. Gaya ni Mother Lily, ang birthday wish niya’y kumita ang My Kuya’s Wedding na showing sa August 29, para hindi mawala ang trust sa kanya ng producer at para matuloy ang movie nila ni Richard Gutier­rez.

 ‘Katuwa ang sagot ni Maja sa tanong kung bakit siya sinugalan ng Regal?

“Hindi ko nga alam. Takot nga akong mag­bida dahil feeling ko, ‘di pa ako ready, hindi pa right time. Panghaha­wakan ko na lang ang trust ni Mother Lily, pero movie ito ni Ryan (Agoncillo). Siya ang kuya at wedding niya ito, ako na lang ang “My.”

Show comments