Maja, dedma muna kina Carlo at Jason

Hindi malaman ni Maja Salvador kung ano ang nararamda­man niya sa ngayon dahil magkasunod daw ipa­la­labas ang pe­likulang My Kuya’s Wedding at ang soap dramang Panga­rap Na Bituin with Sa­rah Geronimo at Rica Pe­ralejo. Sa Aug. 29 ang movie at sa Sept. 3 ang sa TV.

Gagampanan ng young actress ang role na singer bilang si Ruby na kapatid nina Sarah at Rica na ga­ga­nap naman bilang sina Emerald at Sap­phire.

Syempre ang unang tanong ay kung maru­nong bang kumanta si Maja dahil alam naman ng lahat na sa pagiging artista siya nakilala at hindi sa pagkanta.

“Pinakanta po ako nina Ma’am Malou San­tos at narinig na may timbre ang bo­ses ko,  so  isi­nama  na ako, pero nagbo-voice lesson naman po ako kaya may prak­tis na.  Medyo nahinto nga lang ngayon kasi nag-show po ako sa Canada tapos may shooting pa ng movie tapos may tapings pa.

“Nakaka-kaba siyempre, kasi Sarah Geronimo ‘yung kasama ko at magaling siyang singer, so talagang matsa-challenge ka.  So far po, okey naman, pag­bubutihin ko na lang.”

At dahil super hectic ang sched­ules ngayon ni Maja ay no time for lovelife muna siya.

So, dedma na sina Carlo Aquino at Jason Abalos?

“Si Carlo po, ma­tagal na kaming hindi nagkikita at hindi na rin tumatawag, si Jason po, siyempre nagkikita kami sa shooting ng movie namin at saka dito sa ABS, nagkikita rin po kami, hanggang doon lang,” kuwento ulit ni Maja.

Samantala, wala pa palang linaw kung papayagan si Maja ng Star Cinema big boss na si Ms. Malou San­tos na gumawa ng movie sa Regal Entertainment with Richard Gutierrez dahil kata­tapos lang niyang gawin ang My Kuya’s Wedding na launching movie niya. –Reggee Bonoan

Show comments