^

PSN Showbiz

Baguhang artista, ipinatatanggal ang kanyang direktor

ISYU AT BANAT - Ed De Leon -

Siguro kung ang isang aktor na kagaya ni Eddie Garcia, o kaya isang aktres na kagaya ni Lorna To­lentino, o Sharon Cu­neta na kap­wa nanalo na ng grand­slam sa mga awards at kini­kilalang mga sikat at premyadong mga ar­tista ang magsasabing hindi mai-execute ng isang baguhang direk­tor ang mga eksena nila sa pe­likula, mani­niwala kami. Kasi mga sanay na sa­nay na ang mga yan sa pelikula eh. Iwanan mo yan sa shooting, kaya nilang maidirek ang sarili nila.

Pero minsan man, hindi namin narinig ang mga artistang kagaya nila na nagsabing may direktor silang hindi marunong gumawa ng eksena. Kaya nga ta­wang-tawa kami noong isang araw sa  kwento na yon daw Cristine Re­yes, kapatid ni Ara Mina, na hindi siya magso-shooting ng kan­­yang pelikula hang­gang hindi pinapalitan ang direktor niya dahil hindi yon marunong magdirek. Bakit, ano na ba ang na­lalaman niya sa pelikula para sabi­hing ang direktor niya ay hindi marunong gu­mawa ng pelikula? Mas­yado naman ya­tang napakaaga ni­yang na­ging masya­dong ma­talino. Maski si Ara Mina hindi na­kapagsalita ng ganyan.

Yon namang direk­tor na sinasabihan niyang hindi marunong gumawa ng pelikula, si Bing Santos, ay bete­rano na sa industriya. Marami nang naga­wang pelikula ito. Maski na yong mga ma­lalaking artista noong araw pa kagaya ni Tony Ferrer, na­idirek ni Bing.

Yang si Bing, naki­lala namin nung bata pa kami halos, nasa PR department siya noon ng Uniprom, film distri­bution arm ng Araneta. Tapos marami ring na­samahang pro­duksiyon, isa rin siyang movie writer noong araw, tapos nga naka­pagdirek na ng mga pe­likula. Marami nang nagawang pelikula si Bing kaya hindi kami maniniwala kay Cris­tine Reyes na ngayon nga lang magiging bida sa pelikula na hindi maru­nong magdirek si Bing.

Isa pa, yong direktor niya ang bumuo, nag-con­ceptualize, at gu­mawa ng pre-product­ion work ng pelikula niya, tapos ipapaalis niya? Ang paniwala na­min ill ad­vised yang si Cristine. Kung sino man ang nag­papayo riyan, aba eh ka­ila­ngang mag-isip. Hindi sila makatutulong kay Cristine, makasisira sila.

* * *

Hindi maitago ni Mother Lily ang kan­yang disappointment sa ginawa sa kanya ni Angel Locsin.

Pero ang punto kasi, hindi si Mother ang nag­pa­sikat diyan. Kung iyong Channel 7 nata­likuran niya,si Mother pa ba?

Ang dapat gawin ni Mother kung kami ang tatanungin ay mag-build up ng panibagong artista na maaaring lumampas sa popula­ridad niyang si Angel Locsin.

Kayang-kayang ga­win iyan ni Mother kung gugustuhin lang niya. Nagawa na niya iyan in the past. May pana­hong lahat ng mga sikat na artista, artista ni Mother.

Ang dapat gawin ni Mother ngayon gamitin niya ulit ang magic  niya, para matauhan yang mga nagdudunung-du­ngang wala namang alam sa industriya.  Gu­mawa siya ng isang ma­laking artista na siyang magiging bagong super­star. Hindi lamang niya matuturuan ng leksyon ang ibang mabilis lumaki ang ulo, kundi matutu­lungan din niya ang industriya. Kailangan ng industriya ang isang malaking star para ma­kabangon at hindi si Angel Locsin iyon.

ANGEL LOCSIN

ARA MINA

NIYA

PELIKULA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with