Nagtataka ang mga katotong miyembro ng Philippine Movie Press Club o PMPC kung bakit hindi isinama sa listahan ng mga nominado ang name ni Julius Babao para sa kategoryang Male News anchor gayung sina Ted Failon ay kasama for TV Patrol World at Henry Omaga Diaz for Bandila.
Humingi ng list ang PMPC sa News and Current Affairs Department ng mga name kung sino ang puwedeng i-nominate para sa nasa bing kategorya at ang dalawang male news anchor lang ang isinama. Bakit hindi ba news anchor ang asawa ni Tintin Bersola-Babao?
* * *
Ano ang gagawin ni Aiai delas Alas sa ASAP ’07?
Kaya namin naitanong ito ay isa ito sa TV project ng komedyana dahil twice a month siyang mapapanood sa nasabing variety show.
“Secret, abangan mo,” natawang sagot sa amin ni Ms. A nang makasalubong namin sa Grams Diner ng ELJ Building nung Miyerkoles ng hapon.
At kung hindi babaguhin ang plano ay guest din si Aiai sa The Buzz this Sunday para ikuwento kung paano siya napadpad ng GMA-7 para makipag-meeting kay Ms. Wilma Galvante two weeks ago at para iklaro na hindi siya pina-pirate ng nasabing lady executive.
At the same time ay para mag-public apology na rin sa ginawa niyang gulo sa pagitan nila ni Ms. Wilma.
“Masyado kasi akong na-excite nung alukin ako ng GMA kasi nga, walang offer sa akin ang ABS, so feeling ko, doon na ako, pero nung nakapag-isip-isip na ako, hindi pala ako ready na lumipat at hindi ako masaya sa desisyon ko, nasa ABS pala ang puso ko, hindi ko kayang iwan ang Dos,” say niya.
* * *
Malaki ang dapat ipagpasalamat ni Luis Alandy sa Daven Productions na siyang producer ng indie film na Signos dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pelikula at napansin na marunong din palang umarte ang aktor na hanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong nabibigyan ng break.
Nakakuha ng Rated B sa Cinema Evaluation Board ang Signos at pawang magagaling ang mga kasama ni Luis tulad nina Ricky Davao at Irma Adlawan, at ‘yung batang si ‘Budoy’ dahil mahusay siyang umarte, huh?
Nagtataka lang kami dahil si Chx Alcala ang ibinebenta sa Signos, pero iilan lang ang eksena pero markado naman, in fairness. –Reggee Bonoan