Pamilya ni Cogie may malaking problema

Hindi ikinahiyang aminin ni Cogie Do­mingo na hindi pa siya tapos o graduate ng high school. Ito ang kanyang misyon nga­yon. In fact ay nag­punta siya sa Amerika para doon sana ipag­patuloy ang kanyang pag-aaral pero hindi naisaka­tuparan. Nag­balik siya at dito na lamang ta­tapusin ito.

We really admire Cogie sa kan­yang ma­gan­dang ha­ngarin hing­gil sa kan­yang edukas­yon. Mula pa naman siya sa ang­kang na­kakariwasa at parang hindi kapa­ni-paniwala na kahit high school ay hindi siya tapos.

Naging urung-su­long din ang takbo ng movie career ni Cogie na noon ay pilit na iniuugnay ang pa­ngalan kay Lovi Poe. Dito sa showbiz, saglit ka lang mawala sa pa­ningin ng publiko ay sangkatutak na ang isinilang na mga ba­gitong kabataang gus­tong sumikat. Ang wika naman ni Cogie ay ser­yoso na siya sa kan­yang movie comeback.

Sana nga dahil hindi pa naman huli ang lahat. He is only 22 years old, gwapo at marunong umarte. Sa rami ng mga shows na inihahanda ng GMA 7 ay tiyak na merong kalalagyan si Cogie.

Itinuwid din ni Cogie na nagkasabay lang sila ni Angel Locsin sa eroplano at hindi sila magka­ha­wak kamay na luma­bas sa airport. Tung­kol naman kay Lovi, friends lang daw sila.

Pahapyaw na na­banggit ni Cogie na may family problems na sinusuong ang kan­yang pamilya and he hopes na maayos na ito sa madaling pa­nahon.

Maging huwaran sana si Cogie na ibang mga teen stars na dahil sa pagsabak sa showbiz ay tuluyan ng ki­nalimutang ipagpatuloy  ang kanilang pag-aaral.

Sa puntong ito ay pinabilib kami ni Ding­dong Dantes na ­pa­unti-unti ay pilit na tinatapos ang kanyang college education sa Ateneo. – Remy Umerez

Show comments