^

PSN Showbiz

Friendship nina Erik at Piolo, umabot na sa bible study

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Dumating kahapon si Erik Santos mula sa concert nila ni Aiai delas Alas sa Ireland, pero aalis din siya ngayong araw para sa US Tour nila nina Sarah Gero­nimo, Raymond Ma­nalo, Kris Lawrence at Mark Bau­tista. Two months series of shows ito, pero one month lang sasama si Erik dahil kailangan niyang bu­malik sa Sept­ember 20 para sa promo ng kan­yang second major con­cert sa Araneta Coli­seum sa October 19, billed Erik Santos… Solo at the Coliseum.

Kahit magaling siyang singer, ma­raming fans at ma­raming guests, kaila­ngan pa rin niyang mag-pro­mote. Ma­lapit sa con­cert date niya ang Oct. 13 con­cert ni Baby Face at ang Oct. 17 & 18 con­cert ni Josh Groban.

Guests ni Erik sa kanyang concert ang The Company, Sam Milby, Yeng Constan­tino, Danita Paner, G Force Dancers at si Aiai. May iba pa siyang guests at hindi kabilang ang ex-girlfriend na si Rufa Mae Quinto, pero manonood ito. Sina Louie Ocampo at Bobby Gar­cia ang musical director at di­rector ng concert respect­ively.

Sasayaw for the first time si Erik sa concert at part daw ng reinvention niya ang gagawin. Mag­hintay lang ang kanyang fans at marami pa siyang sor­presa at isa rito ang kanyang Christmas al­bum na may working title na “All I Want For Christmas.”

Kaibigan din ni Erik si Piolo Pascual, pero busy yata ang actor kaya ‘di makakapag-guest sa kanyang concert. Sa ASAP nabuo ang kani­lang friendship hang­gang pati sa bible study at pagsimba sa Victory sa The Fort ay magka­ka­sama na sila.

Kuwento ni Erik: “May small group kami na nag­kikita at nagsi-share ng problem. Kasama sa group namin ang pastor at ‘pag walang available na pastor, si Piolo ang nagli-lead sa amin.”

“Oo naman,” ang sa­got ni Erik kung credible mag-lead si Piolo. No further questions!

* * *

Kung totoong kasa­ma sa cast ng Kaman­dag as one of Richard Gutier­rez’s leading ladies, obviously, hindi pa na­sasabi kay Jewel Mis­che ang tungkol doon dahil puro “Di ko alam” ang sagot nang aming tanungin. If true na ka­sama siya sa cast, ma­tutuwa raw siya ng husto at big break ito sa kanya.

Hindi rin alam ni Jewel ang tsikang lilipat sa Star Magic ang ka-loveteam niyang si Paulo Avelino ‘pag nag-expire ang contract nito sa GMA Artist Center. Tatanu­ngin daw niya ito ‘pag kanyang nakausap.

Seksi-seksihan si Jewel nang aming ma­ka­usap, mahaba ang biyak sa harap ng suot na gown at konting kilos lang ay ma­sisilip ang clea­vage. Nagpa-spray din ito ng tanning lotion kaya dark ang complexion at dahil sa kakaibang da­ting, nasabi ni Aljur Abrenica na siya ang gustong ka-loveteam nito.

* * *

Magandang balita para kay Mau Marcelo (remember her?) ang pagkatuloy ng Asian Idol sa November na ga­gawin sa Indonesia. Maipapakita na niya sa ibang winners ng Asian franchise ng American Idol na magaling ang winner ng Philippine Idol at siya ‘yun.

Bilang paghahanda sa Asian Idol, magka­karoon ng TV special ang ABC-5 para muling makilala si Mau. Si Ryan Agoncillo ang host ng special na wala pang title at siguro naman, ka­sama sina Jan Nieto (nasaan na rin siya?), Gian Mag­dangal at mga kasama sa Top 12 ng PI.

Kagabi ang launch­ing ng “Time to Shine” album ni Mau under Sony­ BMG. Hopefully, marami ka­ming makuhang ba­gong balita sa kanya para sa kanyang fans.

* * *

Tama si Marimar (Ma­rian Rivera) sa naram­damang ‘di siya mahal ni Sergio (Ding­dong Dan­tes) dahil ‘di nito ma­sa­bing mahal siya. Dahil in-love, tuloy ang pagpa­pa­kasal ni Marimar sa binata.

Ibibigay ni lola Cruz (Caridad Sanchez) ang dati niyang damit pang­kasal para gamitin ni Marimar, pero mapupu­nit ang damit habang nila­labhan. Para mala­man kung matutuloy ang ka­sal, panoorin ang tele-novela sa GMA-7, after Mga Mata Ni Anghelita.

ASIAN IDOL

ERIK

ERIK SANTOS

MARIMAR

PLACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with