Dating actress, mas kuntentong maging produ

Glamo­rosa pa rin kahit apat na ang  anak ng da­ting-actress beau­ty queen na si Aze­nith Briones. Apat na la­la­ki ang na­ging mga anak nila ng asa­wang busi­ness­man na si El Rey Reyes. Inaa­min ni Aze­nith, nami-miss niya ang showbiz, kaya lang, hindi na niya maka­kaya sa rami ng tung­kulin bilang isang ina.

“Alam mo ba, ako pa ang nagtuturo at tumu­tulong sa dalawa kong ba­tang anak.” Tinutulu­ngan sila ni Azenith sa ka­­nilang mga school assign­ments. Yung da­la­wa pa, pare­hong col­le­ge na, at nag­bibinata na.

Hindi ina­abot ng lungkot si Aze­nith, dahil paminsan-minsan ay may show siya bilang pro­du­cer. Co-producer niya si Chito Alcid. Sa dara­ting na September 29 kung saan may show sila sa Zirkoh Bar, tam­pok ang Shir­ley Bas­sey of the Phil­ip­pines, Ms. Car­men Pa­teña na naririto sa ban­sa. For good na na­ni­rahan si Carmen pag­­­ka­raang magtagal sa New York.

Makakasama ni Ms. Pateña, sina Lyka Ugar­­­te at Walley Jones. –Vir Gonzales

Show comments