Sa November 6, debut na ni Shaina Magdayao at pinayagan na siya ng parents na maligawan pero personal choice niya na huwag munang seryosong makipag-boyfriend. Pero open siya sa pagsasabing pinakamasugid niyang manliligaw ang ka-loveteam na si Rayver Cruz.
Hindi raw naman dahil sa nangyari sa kanyang Ate Vina (Morales) kaya ganoon ang desisyon niya. In fact, natuwa pa raw sila nang tuluyan nakipag-break ang Ate Vina niya sa boyfriend nito. Wala raw naman siyang tampo sa naging boyfriend nito pero ayaw niyang magsalita in behalf of her family.
Basta sila raw, sinusuportahan nila ang Ate niya anuman ang maging desisyon nito. Kung anuman daw ang nangyari sa kanyang Ate Vina, pinalitan naman ito ni Lord ng blessing, nang manalo ito sa first Ikon Asean Grand Finals last Sunday, August 12, sa Putrajaya International Convention Center sa Malaysia. Tumanggap din ito ng cash prize na $25,000.
Dalawa ang entry nina Shaina at Rayver sa MMFF 2007, ang Katas ng Saudi ng Maverick Films na kasama nila sina Sen. Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino, at ang Bahay Kubo na happy sila na muli nilang makakasama sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment si Maricel Soriano.
* * *
Tinupad naman ng Hollywood producer na pabalikin sa Pili pinas si Iza Calzado from Toronto, Canada, last Friday, August 17, pagkatapos niyang makapag-shooting doon ng The Echo for three days, para tapusin ang taping ng Impostora hanggang sa August 22. Dapat kasi, August 20 pa ang alis ni Iza para matapos ang highlights ng mga eksena niya sa Impostora pero bigla siyang ipinatawag na kailangan na raw nitong mag-shooting ng The Echo sa Toronto kaya umalis siya noong August 13.
* * *
First time ng Pinoy Dream Academy scholar na si RJ Jimenez na makapunta ng USA, kaya masayang-masaya siya nang pasamahin ng Dream Big Productions sa PDA winners na sina Yeng Constantino, JayR Siaboc at Ronnie Liang.
Natupad na rin ang dream niyang makapunta sa Disneyland, Universal Studios, Golden Gate, White House (kahit sa labas daw lamang sila), Millenium Park in Chicago at United Center kung saan naka-display ang malalaking pictures ng mga NBA players.
Thankful din siya sa mga regalong ibinigay ng mga Pinoy fans sa kanya na kailangan niyang ibalikbayan box para hindi siya mag-overweight.
Nasabik din daw siyang tumugtog muli kasama ng kanyang banda kaya kinabukasan na bumalik sila rito, nag-rehearse na raw sila. Pinagpaplanuhan daw nila ang kanyang birthday concert sa September 28. Muli silang aalis na apat for a show in Guam sa August 23, na makakasama rin nila ang co-PDA scholars na sina Rosita at Iya.