Isang bagong banda na maituturing ang KJWAN kumpara sa maraming banda na naglipanan sa atin industriya ng musika. Pinag-usapan lamang ito nang bigla ay gumawa ito ng ingay nang manalo kamakailan bilang Best Group Artist sa katatapos na IKON ASEAN grand finals na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia na nilahukan ng 30 solo and group artists mula sa maraming bansa sa Asya.
Nag-uwi ang KJWAN ng $25,000 bilang premyo.
Pilipino rin ang nanalong Best Solo Artist, si Vina Morales, na nanalo rin ng kaparehong halaga.
Ang IKON ASEAN ay naglalayong mapaglapit ang mga ASEAN artists under one roof at mai-share nila sa isa’t isa ang kanilang mga talento at ipagdiwang ang Asian entertainment.
Dalawang matitinik na banda rin mula sa Malaysia (OAG) at Indonesia (Tahta) ang mahigpit na nakalaban ng grupo sa grand finals.
May tigalawang kanta ang 3 banda na naglaban, ang piyesa ng KJWAN ay ang “Invitation” at “One Look”, mga orihinal na komposisyon ng grupo at kasama rin sa kanilang sophomore album na “2 Step Marv”.
Mahigit dalawang taon lamang ang KJWAN na ang pangalan ay galing sa drummer ng grupo na si J-Hoon Balbuena. Umuwi ito rito mula Hongkong para mag-aral sa Ateneo. Akala nito nung una ay isang mathematical term yung “kwan” na nang napagpasyahan nilang gawing pangalan ng grupo ay dinagdagan nila ng J bilang tribute sa nag-isip ng pangalan at para cinematic na rin ang pangalan ng banda.
Dating magkakaiskwela sa Ateneo ang mga myembro ng grupo (Marc Abaya (vocals), Kelley Mangahas (bass), Jorel Corpus (guitar) at Boogie Romero (guitar). Pero, nung maga-graduate lamang sila ng college nabuo ang banda.
Bago sa IKON, nabigyan na rin sila ng nominasyon sa NU 107’s Rock Awards, MTV Pilipinas Video Music Awards 2005. Isang buwan silang featured artist sa MTV Phils.
Kung gusto n’yo pang makilala ang KJWAN, at mga myembro at ang mga gigs nila, bumisita sa kanilang website sa http:llKJWAN.NET o kaya’y sa info@kjwan.net.
* * *