Game na game na sinagot ni Zsa Zsa Padilla ang mga personal na tanong sa kanya ng mga reporter sa presscon ng Belo Essentials noong Miyerkules.
Naloka ang mga kausap ni Zsazsa nang sabihin nito na active ang kanyang sexlife. With Mang Dolphy around, why not! Why not daw o!
Ang ganda-ganda ngayon ni Zsazsa kaya nagtataka ako sa sinabi niya na tumaba siya. Kung mataba si Zsazsa, ano pa ang puwedeng itawag sa katawan ko?
Paano sinasabi ni Mang Dolphy na maganda ang kanyang asawa? Hindi raw nagsasalita ang King of Comedy dahil idinadaan niya sa tingin ang lahat!
* * *
Marami ang may gusto sa Belo Essentials TV ad nina Zsazsa, Regine Velasquez at Lucy Torres.
Obvious ba na si Quark Henares ang direktor ng TV commercial eh siya ang anak ni Dra. Vicki Belo?
Kung si Quark ang direktor, ang kapatid nitong si Cristalle Belo-Henares naman ang in-charge sa production, marketing at promo ng Belo Essentials products tulad ng sabon, whitening lotion at kung anik-anik pa.
Dream ni Dra. Belo na makilala ang Pilipinas bilang bansa ng magagandang tao kaya naisip nila ni Cristalle na maglabas ng Belo products na mabibili sa murang-murang halaga.
* * *
Sinabi ni Aiai delas Alas na hindi na niya iiwan ang ABS-CBN at nalulungkot siya.
Bakit nalulungkot si Aiai? Sad ba siya dahil hindi na matutuloy ang pagbabalik niya sa GMA 7 o nalulungkot siya dahil wala pa siyang regular show sa Kapamilya network?
Bakit nga ba nagbago ang isip ni Aiai? Iba kaya ang naging sitwasyon kung hindi lumabas ang balita na pipirma siya ng kontrata sa GMA 7?
* * *
Ang sipag-sipag ni Bong Revilla sa pagpo-promote ng kanyang bagong show sa GMA 7, ang Kap’s Amazing Stories.
Gabi nang nag-umpisa ang live telecast ng Kung Ako Ikaw noong Miyerkules pero umapir pa rin si Bong para i-promote ang Kap’s Amazing Stories.
Live rin ang guesting kahapon ni Bong at ng buong pamilya niya sa SIS para pa rin sa promo ng kanyang Sunday show na mapapanood pagkatapos ng Showbiz Central.
Walang pasok kahapon sa lahat ng school level sa Metro Manila kaya naka-join nina Bong at Lani sa SIS ang mga bagets.
* * *
Marami ang naperwisyo ng trapik noong Miyerkules dahil sa baha at malakas na buhos ng ulan.
Nag-replay ang SIS at ang Boy & Kris dahil hindi nakarating sa studio ang mga host ng programa.
Na-delay din ang taping ng Lupin sa Subic kaya na-tense ang staff dahil kailangang makunan ang mga eksena ng TV series na magwawakas mamayang gabi.
Narinig ko ang balita na naaksidente si Eddie Gutierrez sa set ng Pati Ba Pintig ng Puso pero hindi ko pa alam ang buong detalye.
* * *
Noong Miyerkules din ang meeting ni Mother Lily sa mga executive ng Star Cinema pero hindi ko alam kung sumipot siya.
Tungkol pa rin sa kontrata ni Angel Locsin ang agenda ng meeting dahil hindi pa expired ang kontrata niya sa Regal Films pero pumirma na kaagad siya sa Star Cinema.
Paano kung mag-offer ng co-production venture kay Mother Lily ang Star Cinema? Let’s wait and see.