Dies y siete, gagawing katorse?

Napaka-swerte na­man ni Jen­nica Garcia, ang 17 yrs. old na anak ni Jean Garcia. Pina­pir­ma na ito ng Regal Entertainment ni Mother Lily sa isang exclusive con­tratct.

Isa sa mga plano ay ipagawa kay Jennica ang remake ng Kator­se, ang launching mov­ie ni Dina Bonnevie nun tungkol sa pagda­dalaga ng isang babae, edad katorse.

Maganda pa rin ang plano ng matriarka ng nasabing film outfit na i-build up ang tam­balan nila ni Mart Es­cudero na nagsimula sa Impos­tora, isang serye ng GMA7 na kung saan ay nagka­ro’n na ng following ang kanilang tandem.

Mina-manage si Jen­nica, at ma­ging ang kan­yang inang si Jean, ni Man­ny Va­le­ra.

“High school pa la­mang siya ay kinukulit na ang kan­yang ina na paya­gan siyang mag-artista. Pero, hindi pumayag si Jean. Pi­nagtapos muna siya ng high school,” ani Direk Manny.

Bini-build up din sina Jennica at Mart ng GMA bi­lang isang tandem. Kasa­ma silang dala­wa sa mga seryeng Pasan Ko Ang Daigdig at Boys Nxt Door.

* * *

Palabas na ang My Kuya’s Wedding sa Aug. 29. Direktor ang boxoffice director na si Topel Lee matapos ang matagumpay ni­tong Ouija na ipina­lalabas pa hanggang ngayon.

Isang comedy tung­kol sa relasyon ng magkapatid na gina­ gampanan nina Ryan Agoncillo at Maja Salvador at kung ano ang idudulot sa kani­lang relasyon ng pagkaka­ro’n nila ng pag-ibig, si Ryan kay Pauleen Luna at si Maja kay Jason Aba­los.

Naging parang tu­nay na magkapatid sina Ryan at Maja habang ginagawa ang movie at ito ay kitang-kita sa kani­lang mga eksena sa pelikula.

Sabi nga ng isang insider, “Kung may ka­patid ka, gugus­tuhin mong mas ala­gaan pa siya, at kung wala kang kapatid gu­gus­tuhin mong mag­ka­ro’n ka ng kapatid.”

Kinunan ang ilang eksena ng My Kuya’s Wedding sa Mayon Volcano na nakadag­dag pa sa kaganda­han ng pelikula.

* * *

Naghahanap na na­man ang Nescafe ng pi­nakamagaling na college band sa pama­magitan ng Nes­cafe Soundskool 2007. Dapat lahat ng myem­bro ng banda ay naka-enrol sa college, Pili­pino at naka­tira sa Pilipinas ng mga isang taon at nasa edad na 16-26.

Ang iskwelahang kinakatawan ng banda ay dapat may kahit na isang myembro na nag-aaral at dapat ang ban­da ay may written endorsement mula sa authorized school personnel kasama ng  isang completed application form, demo compact disc, with one cover and one original song na may running time ng 3 mins, photocopy ng birth certificates, proof of enrolment, 4R photo of the group, lyric sheets, empty genuine Nescafe Classic foil packs, o Nescafe 3-in-1 boxes.

Ipadala ang mga entries sa Nestle Philippines o sa Direct Media  Group, Unit 2508 Jolli­bee Plaza, Emerald Ave., Ortigas Center. Deadline sa Setyembre 5.

* * *

E-mail:  veronicasamio@yahoo.com

Show comments