Di nangangarap maging direktor si Aga

Tinanong namin si Aga Muhlach kung ba­lak din ba niyang mag­di­rek ng pe­likula balang araw.

“Siguro assistant di­rek­tor lang at di direktor dahil late ako kung du­ma­rating. Malaki ang expectation kapag ikaw ang direktor kasi dapat lagi kang nasa mood, lagi kang may ideas un­like ng assistant direktor na tutulong lang.”

May nagtanong din sa aktor kung gusto ba niyang maging movie producer balang araw.

“I’ll just keep my money,” sey pa nito.

Tinanong din si Aga kung paano niya iku­kum­para ang dalawa niyang leading lady sa A Love Story na sina Ma­ricel Soriano at An­ge­lica Panganiban.

“Parehong first time ko silang nakasama sa pelikula. Angelica is more aggressive while Maria is conservative pero matagal ko na si­yang kakilala at very ma­lambing siya sa akin,” dagdag pa ng aktor.

Sa kabilang banda, nag-aaral sa ATM si Char­lene Gonzales ng entrepreneurship.

Sarah, Kaeskwela Si Sharon

Magkaeskwela pala sina Sarah Geronimo at Sharon Cuneta sa Communication Skills sa Associate in Arts sa UP. Bukod sa kanyang klase ay tuloy pa rin ang pagkuha nito ng voice lessons sa UP kung saan ang kanyang voice coach ay si Kitchie Mo­lina. Ten sessions ang ta­ta­­­pusin nito.

Ngayong Setyem­bre, muling paliliga­ya­hin ni Sarah ang kan­­yang mga taga­hanga dahil may bago siyang tele­serye titled Panga­rap na Bituin katam­bal si Jericho Ro­sa­les.

Sa edad na disi­nue­be ay wala pa siyang boy­­friend although, ina­min na malaki ang pag­hanga nito kay Pio­lo Pascual.

Show comments