Robert, Barbara, aktibo pa ring artista sa pelikula

Laking gulat at tuwa namin na makita ang mag-asawang Robert Arevalo at Barbara Perez sa My Cinema sa Greenbelt. Sila na yata ang one of the few showbiz couples na hindi binubuwag ng intriga ang pagsa­sama.

That evening ay ini-launch ng Phil. Vete­rans Bank ang kani­lang Cine­ma Ad. A family affair ika nga dahil bukod kay Robert ay naroon din ang anak nilang si Anna Ilagan na siyang nag-produce ng ad at dinirek  ng batikang si Ma­nalo Abaya. Bo­ses ni Ro­bert ang ginamit sa ad.

Sa ad na may pama­gat na Su­long ay bi­nig­yan diin ang mga ka­tangian ng mga Filipino bilang “ma­tatag, ma­tapat, maa­asa­han at may pani­nin­digan” na ang­kop upang isala­rawan ang progresong katayuan ng Phil. Vete­rans Bank sa loob ng maraming taon.

Ayon kay Robert, iisa ang mensahe ng PVB Cinema ad. “It encourages the mo­d­ern-day Filipino hero to move forward. Su­long Pilipino”.

Mapapanood din ang mag-asawang Ro­bert at Barbara sa indie digital movie entitled Gulong. Sadyang na­iiba ang tema ng pe­likula pero kung kalidad ang pag-uusapan ay para na rin kayong nanood ng mainstream offering. May special participation sa Gulong si Gary Valenciano.

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng mga papuring ibinigay ng movie critics sa Gulong ay wala itong natamong award sa nakaraang Cinemalaya Film Festival.

Bihira ang nakababatid na nag-direk na rin ng pelikula si Robert. “I directed Huwad na Bayani a few decades ago pero ipina-pull out ito sa mga sinehan for political reasons. Sa totoo lang, mas  madali ang umarte kaysa mag-direk. Or mag-voice over,” pangwakas niyang sinabi. — REMY UMEREZ

Show comments