Carmen Soriano, kumakanta na naman!

Sa dami ng bag­yong dumaan sa buhay ng mang-aawit na si Car­men Soriano, ka­ha­nga-hanga ang kan­yang katatagan. Naka­tulong ng malaki ang kanyang matibay na paniniwala sa Diyos kaya’t patuloy naman ang maga­gan­dang pag­kakataong lu­malapit sa kanya.

Tulad ng pagbabalik sigla ng kanyang sing­ing career na tunay na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan nga­yon.

“Naka-apat na shows na ako sa PAG­COR,” biglang nagbi­lang si Carmen. “Hang­gang Da­­vao Casino Filipino nakarating na ako. Ang aking bagong show sa Casino Fili­pino-Heri­tage Hotel sa Martes, August 14, bale pang-lima ko na sa kanila.”

“Isang free show ito, kaya’t eveyrbody’s wel­come to watch it,” pa­tuloy ni Carmen. “Alam mo bang ang mga na­nonood ng shows ko ngayon higit na marami ang mga kabaro ko. This time sana dalhin nila ang kanilang mga mister o boyfriend, pati mga amiga, para ma­saya.”

Sinabi pa ni Carmen na ang kanyang muling pagkanta ay hindi niya itinuturing na come­back.

“It is more of a senti­ment, ang pagma­ma­hal ko sa aking pag­kanta. Magandang pa­ki­ram­dam ang makita kong nanonood ang mga familiar faces na dating tumatangkilik sa akin noon. Palaging magan­dang karanasan ang makadaup-palad ko ang mga taong nag­mahal sa akin noong active pa ako sa showbiz.”

Kahit konti pa ang mga palabas na napa­nood siya, laging kina­kanta ni Carmen ang mga awiting nag­ba­balik sa mara­ming ma­gan­dang alaala, ka­sa­ma rin sa kanyang re­pertoire ang mga kan­tang tu­matak sa kanya bilang isang pa­ngun­ahing en­ter­tainer sa bansa.

“Bihira akong mag-aral ng mga bagong kanta,” pagtatapat niya. “Ang aking audience kasi ay may  mga edad na rin, kaya’t kaila­ngang ibagay ko naman ang aking mga ka­­kantahin sa aking au­dience.”

Sa ma­higit na sam­­pung taong pagkawala ni Carmen sa eksena, sa U.S.A. siya namalagi.

“Nag-asawa ako sa isang Filipino doctor based in the States,” kwento ni Carmen. “Ma­ligaya kami doon, pero nagkasakit siya hang­gang pumanaw.

Pati ang mga malu­lupit na tsismis sa kanya noon, binabali­kan din niya at tinata­wanan na lang niya dahil sa hubad talaga sa katotohanan.

Ang mga masasa­bing greatest loves of her life, masaya din ang kanyang pagba­balik tanaw. Tulad ng kan­yang storybook ro­mance with an actor/director. Open book naman ang yugtong ito ng kanyang buhay, kaya hindi niya kinaila.

Sa kanyang free show sa Heritage Hotel-Casino Filipino, lubos ang paghahanda niya ngayon. Sa Mar­tes ng gabi ito at ina­asahan niyang mara­ming ma­nonood.

“Si Pilita Corrales  kasi ang huling nag­palabas doon,” nata­tawang sabi ni Carmen. “Kaya kailangan pag­butihin ko ng husto. Mahirap ng maikumpara ako at mapintasan pa.”

Show comments