Ipinakita sa amin ng isa naming source ang resulta ng isang survey na ginawa sa pamamagitan ng internet.
Umaabot na sa dalawang libong respondents ang sumagot sa kanilang survey question at nasa 70% ng respondents ang nagsabing naniniwala silang maling desisyon ang ginawang paglipat ni Angel Locsin sa Dos.
Yan ay opinyon lamang naman ng mga taong maaaring interesado pero nasa labas ng showbusiness. Karaniwang mga tao ang nagsasabi niyan. Sarili nilang opinyon yan, pero pinaniniwalaan ng mga gumawa ng survey na iyan ay nagri-reflect ng opinyon ng karamihan sa mga Pinoy.
Hindi namin sinasabing mali ang desisyon ni Angel na lumayas sa dati niyang network at lumipat, ang masasabi lang namin siguro mali ang naging sistema ng kanyang paglipat. Dahil mali nga ang ginawa nilang paraan, yon ang dahilan kung bakit nagiging negatibo ang dating ng kanilang paglipat ng network.
Ang isa pang mali, iyong sistema nila ng damage control. Mukhang mali yong nagpapa-underdog pa ang kampo ni Angel Locsin, dapat inilabas na lamang nila kung anuman ang talagang katuwiran nila. Hindi iyong nagrereklamo pa silang wala na siya halos pahinga, hindi sila pinakikinggan kung humihingi sila ng umento at kung anu-ano pa. Bakit hindi sila nagreklamo bago sila lumayas sa Channel 7 at baka nagawan pa ng paraan?
* * *
Sinasabi sa amin ni Kuya Germs, talaga raw binibigyan niya ng konsiderasyon ang isang offer sa kanya ng isang concert venue na mag-produce ng mga musical variety shows. Naniniwala nga raw kasi ang management ng nasabing concert venue na sa ngayon, maaaring mabuhay ulit kung gagawa ng mga musical variety shows na live. Kagaya ng ginagawa nila noong araw sa Clover Theater, kagaya rin naman ng format ng kanyang GMA Supershow noon, gagawin nga lang live.
Naniniwala rin si Kuya Germs na makakatulong iyon dahil hindi naman lahat ng mga artista ay nagkakaroon ng pagkakataong makalabas sa TV. Kung mabibigyan nga naman ng pagkakataon ang mga iyon sa mga live musical variety shows, magkakaroon sila ng pagkakataong kumita, lalo na ngayon at bagsak naman ang mga pelikula.
Palagay namin, ok ang ideyang yan ni Kuya Germs.
* * *
Malaking tsismis ang nasa gap namin. Alam ba ninyong may tsismis na ang isang bading na Pinoy matinee idol ay nakipag-one night stand daw sa isang may name din namang Korean male model? Wala tayong kamalay-malay, sumaglit pala ng bakasyon sa Seoul ang gay matinee idol, at doon niya nakilala at naka-date ang sikat na male Korean model.