Katrina, nailang kay Richard

Nilinaw ni Katrina Halili ang isyu tungkol sa kanila ni Boy2 Qui­zon kung saan sinabi raw ng aktor na lahat ng babae sa Lupin ay natikman niya at ang pinakamatindi sa lahat ay si Katrina Halili.

Tinanong namin sa presscon ng Marimar kung ano ang reaksyon  niya tungkol dito.

“Hindi ako nanini­wa­lang sinabi yun ni Boy2 dahil magkaibi­gan kami. Nakausap ko na siya at wala na­man siyang sinasabing ganito tungkol sa akin. Hindi rin ako nani­niwala na gu­magamit siya ng ipi­nag­ba­bawal na ga­mot gaya nang iniintriga sa kanya,” ani Katrina.

Inamin din ng seksing ak­­­tres na nag-audition siya sa Marimar at tinang­gap niyang hindi siya ang nakuha sa title role dahil katwiran niya, hindi naman siya ma­ambis­yosa. Kuntento na siya kung ano ang ibigay sa kanya.

“Kumusta naman ang kissing scenes n’yo ni Richard Go­mez bilang mag-asawa sa teleserye?” tanong namin.

“Nailang ako sa kanya dahil sikat na siya pero naging kom­portable ako dahil bi­nibiro niya ako at na­ging maganda ang working relationship namin sa dakong huli,” dagdag pa ni Katrina.

Gagampanan nito ang papel ni Angelika ang ambisyosang kaba­bata at nobya ni Sergio na pa­kakasalan ang ma­ya­mang ama nito para maiahon sa hirap.

Ang Marimar ay mapapanood sa Lu­nes after Lupin.

‘Matamis  Ang Labi Ni Dingdong’ Marian

Nagkakaisa sa pag­sa­sabi sina Atty. Fe­lipe Gozon at Ms. Wilma Galvante na si Marian Rivera ang susunod na magiging big star ng GMA 7.

Ayon kay Marian Ri­vera, lahat ng suportang tinanggap niya ay iba­balik niya sa Siete.

“Napakaganda ng gi­na­gawa nilang pag­paha­laga sa akin. Ta­tanawin ko itong utang na loob sa kanila ha­bang ako ay nabubu­hay.”

“Kumusta naman si Dingdong Dantes as leading man? Masarap ba siyang humalik?”

“Komportable ako sa kanya bilang kapa­reha at matamis ang labi kapag humalik. Hindi ako tiyak kung mai-inlove ako sa kanya,” anang Marian.

May ilang nag-iintri­gang bagay na bagay ang dalawa kaya ang ta­nong ay kung di kaya ma-develop sila sa isa’t isa. 

Show comments