Simpleng debut lang ang ipinagdiwang ni Nicole Anderson, unica hija ni Jean Saburit. Praktikal lang ito dahil paalis siya papuntang Amerika. Dadalawin niya ang may sakit niyang lola, mother ni Jean.
Hindi naging aktibo sa pag-aartista si Nicole dahil naging busy sa pag-aaral. Minabuting harapin muna ang pag-aaral at saka na lang ang showbiz.
Sa sobrang busy din sa pag-aaral ni Nicole, hindi niya nabigyang pansin man lang ang panliligaw noon sa kanya ni Mark Herras. Nabalita tuloy na hindi nakayanan ni Mark ang pagiging sosyalera niya.
Tipong hindi rin seryosong makipag-boyfriend si Nicole ngayon. Kahit nga 18 yrs. old na siya, hatid-sundo pa rin siya sa school ng mommy niya.
“Hindi ako naghihigpit sa aking anak. Gusto ko lang maging safe siya sa mga lakad niya.”
May nagsasabing sobra siyang mahigpit sa anak? Hindi ito itinatanggi ni Jean, katwiran niya, nag-iingat lang siya. – Vir Gonzales