Inamin ni Judy Ann Santos sa thanksgiving/presscon ng Ouija na mahilig talaga siyang magluto. Sinabi nito na pare-renovate niya ang restoran at sa pagbubukas nila ay siya ang gagawa ng best seller food.
“Kumuha ako ng Culinary Arts sa CAS for three months pero every day yun. Sana lahat may passion din for cooking. Gusto kong pumunta sa iba’t ibang Asian countries para malaman ang specialty nila dun. Gusto kong magkaroon ng kaalaman sa pagluluto ng mga ito,” aniya.
Sinabi pa rin ng aktres na nabuo talaga ang friendship nilang tatlo (Jolina Magdangal at Iza Calzado) at nagkaroon sila ng bonding kung saan kahit tapos na ang syuting ng Ouija, tuloy pa rin ang kanilang pagkikita kaya excited na si Juday sa pagdalo sa international screening ng kanilang pelikula.
Di Raw Maid Ang Nanay
Sa presscon na ibinigay ng Dos para sa tatay at manager ni Angel Locsin ay may nagtanong tungkol sa nanay nito.
Kung tutuusin, wala namang kinalaman ang ina ni Angel tungkol sa isyu dito. Matagal nang hiwalay ang kanyang magulang pero nanatiling close pa rin ang ina sa mga anak at may komunikasyon naman sa dating asawa. Hindi naman maid ang nanay nila.
Ang isyu ay umiikot lang kay Angel, sa manager nito at hinihiningan din ng pahayag ang ama ng aktres. Pero irespeto na lang kung ayaw ng pamilya na isali pa ang ina. Ang mahalaga, may dignidad din ang kanyang pagkatao kahit intrigahin pang katulong lang ito.
Saludo Sa Apo Hiking Society
Magiging matindi ang saludo sa APO at bibigyan sila ng bonggang tributes sa Sis ngayong umaga. May makiki-jamming pa para awitin ang kanilang hit songs kasama sina Harry Santos, Brenan Espartinez, Bryan Termullo, Kierulf ng Pop Star Kids with Pocholo at Renzo, Prince, Rainier at iba pa.