^

PSN Showbiz

Juday, tatayong chef ng sarili niyang resto

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Inamin ni Judy Ann Santos sa thanksgiving/presscon ng Ouija na mahilig talaga siyang magluto. Sinabi nito na pare-renovate niya ang restoran at sa pagbubu­kas nila ay siya ang ga­gawa ng best seller food.

“Kumuha ako ng Culinary Arts sa CAS for three months pero every day yun. Sana lahat may passion din for cooking. Gusto kong pumunta sa iba’t ibang Asian countries  para malaman ang specialty nila dun. Gusto kong magka­roon ng kaala­man sa pagluluto ng mga ito,” aniya.

Sinabi pa rin ng ak­tres na nabuo talaga ang friendship nilang tatlo (Jolina Magda­ngal at Iza Calzado) at nagkaroon sila ng bonding kung saan kahit tapos na ang syuting ng Ouija, tuloy pa rin ang kani­lang pagkikita kaya excited na si Juday sa pag­dalo sa international screen­ing ng kanilang pelikula.

Di Raw Maid Ang Nanay

Sa presscon na ibi­nigay ng Dos para sa tatay at manager ni Angel Locsin ay may nagtanong tungkol sa nanay nito.

Kung tutuusin, wala namang kinalaman ang ina ni Angel tung­kol sa isyu dito. Mata­gal nang hiwalay ang kanyang magulang pero nana­tiling close pa rin ang ina sa mga anak at may komuni­kasyon na­man sa dating asawa. Hindi na­man maid ang nanay nila.

Ang isyu ay umiikot lang kay Angel, sa man­ager nito at hinihi­ningan din ng pahayag ang ama ng aktres. Pero irespeto na lang kung ayaw ng pamilya na isali pa ang ina. Ang mahalaga, may digni­dad din ang kanyang pagkatao kahit intri­gahin pang katulong lang ito.

Saludo Sa Apo Hiking Society

Magiging matindi ang saludo sa APO at bi­big­yan sila ng bonggang tributes sa Sis ngayong uma­ga. May makiki-jam­ming pa para awitin ang kani­lang hit songs kasama sina Harry Santos, Bre­nan Espar­tinez, Bryan Ter­mullo, Kierulf ng Pop Star Kids with Pocholo at Renzo, Prince, Rainier at iba pa.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BRYAN TER

CULINARY ARTS

DI RAW MAID ANG NANAY

PLACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with