Pagkatapos sa singer, aktor-pulitiko naman ang kinabitan ng sexy actress

May mga kababa­yan tayong nagtatra­baho bilang chambermaids sa maraming hotel sa Amerika. Ka­lat-kalat ang kanilang destinasyon, merong nasa Los Angeles, merong nasa Las Vegas at marami ring nasa San Francisco.

Kailan lang ay ti­na­wagan kami ng isang kababayan nating ma­tagal nang nanini­rahan sa San Francisco (San Jose), ti­nanong kami nito kung totoo bang hiwalay na ang isang sexy star at ang kan­yang kare­lasyong sing­er, ki­numpirma naming matagal nang hiwalay ang dalawa.

Nakahinga nang maluwag ang ating kababayan, tapos na raw pala ang relasyon ng sexy star at ng sing­er, kaya wala nang problema yun sa lalaki.

Pero meron pa ring problema dahil ang madalas makitang ka­sama dun ng sexy star ay isang kilalang pa­ngalan na meron nang sabit, pamilyado na ang aktor-pulitikong nakikitang kasama ng sexy star sa mga hotel dun.

“Paano na yun, di ba, married na si —(pa­ngalan ng aktor-puli­tiko)? Pero bakit sila ang madalas ma­kita dito, sinabi rin ng isang  friend  kong nag­tatra­baho bilang cham­bermaid sa isang hotel na nag-check-in silang mag­kasama.

“Hindi sila kumuha ng two rooms, isang room lang ang kinuha nila, magkasama sila dun nang two days. Nagbasa lang kaya sila ng komiks habang nandun sila?” malis­yoso pang tanong ng aming source.

Dati nang napapa­balitang may relasyon ang sexy star at ang aktor-pulitiko, pero matagal na yun, hindi naman namin alam na nagkaroon pala ng pangalawang yugto ang kanilang pagma­mahalan.

Balita pa namang masyadong selosa at insecure ang misis ng aktor-pulitiko, ang sing­er namang naging boyfriend ng sexy star ay mukhang napa­palapit na ang kalo­oban nga­yon sa isang perso­nalidad na pro­dukto ng isang reality show, siguro dahilan kung bakit kapag ti­natanong ngayon ang singer ay sinasabi nito na ma­labo nang mag­kaba­likan pa sila ng sexy star.

*  *  *

Hindi pa namin kumpirmado pero kung ang mga im­pormas­yong nakara­rating sa amin ang paniniwalaan ay si Piolo Pascual ang unang makaka­tam­bal ni Angel Loc­sin sa unang pelikula ring gagawin niya para sa Star Cinema.

Pati sa unang ser­yeng pagbibidahan niya sa ABS-CBN ay si Piolo rin ang matu­nog na pinag-uusa­pang makakatambal ni Angel, isang magan­dang love story na ang bina­balangkas nga­yon ng mga writers ng istas­yon para kina Piolo at Angel.

Nakabuslo na ang pagpirma ng kontrata ngayon ni Angel sa ABS-CBN, pagdating na pagdating niya ay yun ang kanyang uuna­­hin, wala nang kuwestiyon ang mag­ka­bilang panig sa kon­tratang pipirmahan ng batang aktres.

Malinaw na naka­saad dun na bibigyan nang sapat na pana­hon ng pahinga ng Dos si Angel, hindi man direktang sina­sabi sa kontrata ang salitang pahinga, may mga pa­raan para mailahad yun nang patagilid.

Kunsabagay ma­res­peto naman ang Dos sa kanilang mga artista, nandun ang kanilang malasakit, ipinatutupad nila nang mahigpit ang cut-off sa taping nila.

 

Show comments