Marian, handang maging daring para sa ‘Marimar’

Sinabi ni Marian Ri­vera na handa niyang gawin ang lahat para sa Marimar. Pati ang pagpapa-sexy at paki­kipag-lovescene.

“Pero  wholesome pa rin ako, lilihis la­mang ako ng kaunti para sa role ko sa Ma­rimar,” sabi niya sa big launch ng kanyang pinakamalaking tele­serye na kung saan ay katambal niya si Ding­dong Dantes.

Binigyan din siya ng isang na­paka­lakas na su­porta na binu­buo ng mga malala­king ar­tista at da­lawa ang director niya, sina Bb. Joyce Ber­nal at Mac Alejan­dre.

“Tatanawin ko ngang isang mala­king utang na loob sa GMA 7 ang ba­gay na ito hang­gang bu­hay ako,” sabi ng dati ay si­simpli-simple la­mang na ar­tista pero bigla, ay nag­karo’n ng karakter at higit na guman­da sa kanyang ba­gong looks at confidence.

Hindi nag­da­la­wang isip si Marian na mag-audition for the role. Bukod sa kinikilala na ang kan­yang acting ay maga­ling pa rin siyang mag­sayaw.

“Maliit pa akong bata ay naki­kipag-compete na ako sa sayaw. Worth it ang ginawa kong audition, okay kami ni Ding­dong, magaang si­yang ka-trabaho at masaya ang atmosphere sa aming set,” imporma niya.

*  *  *

Lalong gumwapo si Dingdong sa kan­yang bagong looks, mahigit 15 libra ang nabawas sa kanya at wala nang kulay ang kanyang buhok. Hin­di na siya trying hard to look foreign, mas bagay sa itsura niya ngayon ang kanyang role sa Marimar, me­dyo brown, matipuno at astang Espanyol.

*  *  *

Isang malaking pag­kakataon din ang ibi­nigay ng ABS CBN kay Mico Aytona sa Uleng episode bukas ng gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Kwento ng  isang con­testant sa Wowo­wee ang gagampanan niya na siguradong magpapaiyak sa lahat ng manonood ng program.

Makakasama ni Mico ang Best Actress ng Osians Cine Fan Filmfest (New Delhi, India) na si Cherry Pie Picache, Pen Medina at ang bagets na si Angelo Ilagan. Direk­syon ni Gilbert Perez.

*  *  *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments