Marian, handang maging daring para sa ‘Marimar’
Sinabi ni Marian Rivera na handa niyang gawin ang lahat para sa Marimar. Pati ang pagpapa-sexy at pakikipag-lovescene.
“Pero wholesome pa rin ako, lilihis lamang ako ng kaunti para sa role ko sa Marimar,” sabi niya sa big launch ng kanyang pinakamalaking teleserye na kung saan ay katambal niya si Dingdong Dantes.
Binigyan din siya ng isang napakalakas na suporta na binubuo ng mga malalaking artista at dalawa ang director niya, sina Bb. Joyce Bernal at Mac Alejandre.
“Tatanawin ko ngang isang malaking utang na loob sa GMA 7 ang bagay na ito hanggang buhay ako,” sabi ng dati ay sisimpli-simple lamang na artista pero bigla, ay nagkaro’n ng karakter at higit na gumanda sa kanyang bagong looks at confidence.
Hindi nagdalawang isip si Marian na mag-audition for the role. Bukod sa kinikilala na ang kanyang acting ay magaling pa rin siyang magsayaw.
“Maliit pa akong bata ay nakikipag-compete na ako sa sayaw. Worth it ang ginawa kong audition, okay kami ni Dingdong, magaang siyang ka-trabaho at masaya ang atmosphere sa aming set,” imporma niya.
* * *
Lalong gumwapo si Dingdong sa kanyang bagong looks, mahigit 15 libra ang nabawas sa kanya at wala nang kulay ang kanyang buhok. Hindi na siya trying hard to look foreign, mas bagay sa itsura niya ngayon ang kanyang role sa Marimar, medyo brown, matipuno at astang Espanyol.
* * *
Isang malaking pagkakataon din ang ibinigay ng ABS CBN kay Mico Aytona sa Uleng episode bukas ng gabi sa Maalaala Mo Kaya.
Kwento ng isang contestant sa Wowowee ang gagampanan niya na siguradong magpapaiyak sa lahat ng manonood ng program.
Makakasama ni Mico ang Best Actress ng Osians Cine Fan Filmfest (New Delhi, India) na si Cherry Pie Picache, Pen Medina at ang bagets na si Angelo Ilagan. Direksyon ni Gilbert Perez.
* * *
- Latest