^

PSN Showbiz

Hindi lang pera-pera ang buhay

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Tapos na ang two-week crash course sa Fashion Design na ki­nuha ni Angel Locsin sa London. Sa kan­yang huling gabi dun ay nanood sila ng kan­yang mga bagong na­ging kaibigan ng Les Miserables, ang stage  musicale na pinagbi­bidahan ng ating ka­babayang si Joanna Ampil.

Aminado si Angel na kinilabutan siya sa matitinding eksena ni Joanna, ang galing-galing daw umarte ng ating kababayan, hindi niya napigilan ang mapaiyak sa pagsa­sara ng dulang pang-entablado.

Kumain sila sa isang Chinese restau­rant, napaiyak si Angel dahil maiiwan niya sa London ang mga taong napamahal na sa kan­ya sa loob nang da­lawang linggo ng kan­yang pananatili doon, hindi nga na­man kasi ang haba at igsi ng panahon ang sukatan ng pagka­kaibigan kun­di ang sinseridad nu’n.

Sabi ni Angel, “Ka­pag nakakakita ako ng mga Pilipino dun, ti­natanong nila ako kung saan ako naka­tira. Kung wala raw akong tirahan, sa ka­nila na lang ako mag-stay. Inaampon na nila ako,” kwento ng da­laga sa The Buzz sa isang footage na mula sa ABS-CBN-Europe.

Sa kanyang pag­babalik sa bansa ay kumpirmadong pipir­ma na ng kontrata sa ABS-CBN ang itinu­turing na mahalagang artista ng GMA-7, ma­laki ang pagkakaiba ng mga salitang ma­halaga at pinahaha­lagahan, isa yun sa mga dahilan kung bakit hindi na nag-renew ng kontrata sa Siete si Angel at ang kanyang manager na si Becky Aguila.

Sa kanyang pagli­pat sa Dos ay umaasa ang kanyang amang si Mang Angel Colme­nares na mabibigyan na ng katuparan ang hiling ng dalaga na magkaroon ng pana­hon para sa kanyang sarili, lalo na para sa kanyang pamilya, na ipagdamot sa kanya noon ng pagkaka­ taon.

Sa madaling salita ay ituturing na taong may damdamin at mga pangangailangan ng ABS-CBN si Angel Locsin at hindi isang makina.

* * *

Sa kanyang pag­babalik ay nangako si Angel na kakausapin niya ang mga taong kailangan niyang ka­usapin, hindi man niya sinabi ang mga pa­ngalan ng mga taong yun ay ma­ da­ling isipin na ang mga ehekutibo ng Siete ang kanyang tinu­tukoy, siguro’y pormal siyang mag­papaalam sa mga ito.

Ang paglipat niya naman ng istasyon ay hindi nanganga­ hu­­lugan ng pagsu­sunog na ng tulay, kung tu­tuusin ay nakatikim nga agad ng mga tadyak at bigwas ng mga taga-Siete ang dalaga, isang bagay na iti­natanggi nga­yon ng mga tagaroon.

Huwag na tayong magbolahan pa, hu­wag na tayong mag­paikutan pa, hindi pa man sumisingaw ang kwentong lilipat na ng istasyon si Angel ay ninega na siya ng mismong mga taga-GMA.

Kahit naman ba­likan natin ngayon ang mga  naglabasang ba­lita sa mga pahayagan noon ay makikitang mismong mga taga-Siete ang umuupak sa dalaga.

Paano ba natin maipagkakaila at ma­pasisinungalingan ang mga kwentong nasulat na?

Sino ba ang batang aktres na sinasabi ng mga ito na may ere na, na maldita na, na nagpapaimportante na? Napakaraming isyung ibinabato noon kay Angel, pero ang masakit ay nanggaling pa yun mismo sa is­tasyong kinabibila­ngan niya, kaya na­saan nga naman ang napakaha­lagang pro­teksyon dapat nata­tanggap ng artista mula sa mga pakpak na nagyuyung­yong sa kanya?

May mga nagta­taas ng kilay sa ipina­hayag ni Becky Aguila na hindi naman pera-pera lang ang esen­siya ng buhay, sigu­rado raw na labis-labis sa dating tinatanggap ni Angel sa Siete ang nakasaad sa kon­tra­tang pipirmahan nila sa ABS-CBN, kaya naengganyo silang lumipat.

Sa buhay na ito kung minsan ay pa­ngalawa na lang ang kalansing ng pera, may mga pagkaka­taong ki­nalilimutan natin yun sa ngalan ng prinsipyo at res­ peto sa ating sarili, aanhin naman natin ang pera kung mas­yado nang binabale­wala ang ating pag­katao?

ANGEL

ANGEL LOCSIN

BECKY AGUILA

SHY

SIETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with