20th Awit Awards, pwedeng pagpustahan!

Sa Agosto 8 na ita­tanghal ang 20th Awit Awards Night, isa sa pina­kahihintay at pres­tihiyosong event sa Pinoy music industry, sa NBC Tent, The Fort, Bonifacio Global City.

Mukhang mahigpitan ang laban sa taong ito, dahil hanggang ngayon, pati ang mga batikang manunulat ay hindi ma­tiyak kung sinu-sinong mga artista sa musika ang kanilang pipiliin na puwedeng magwagi.

Sa Best Perfor­m­ance by a Female Re­cor­ding Artist, mara­mi ang pumupusta kay Lani Misalucha ‘‘I Live For Your Love’’. Halos kasin­dami rin ang mga nang­huhulang ma­na­nalo si Regine Velas­quez ‘‘Till I Met You”) Nina ‘‘Some­day’’, Bar­bie Almalbis “Dahilan’’ at Skarlet ‘‘Skarlet’’.

Sa Best Performan­ce by A Male Recording Artist, tila nakakaungos si Gary Valenciano — with two songs as fina­lists, ‘‘In Another Life­time’’ at ‘‘Manila.’’ Posib­leng panalo rin sina Top Suzara ‘‘Sabihin Mo Na’’, Mon David ‘‘My One & Only Love’’, at Reuben Laurente ‘‘Na­sasaktan”.

Sa kategoryang Best Performance by a Duet, tiyak na sina Mon David & Bituin Escalante ‘‘Alone Together’’ at Martin Nievera & Re­gine Velasquez ‘‘Kaila­ngan Ko, Kailangan Mo’’ ang mag-aagawan sa tropeo.

Mga pangunahing banda ang maglalaban sa Best Performance by a Group Recording Ar­tists: Kamikazee ‘‘Nar­da’’, Sponge Cola ‘‘Bi­tiw’’, Sugarfree ‘‘Kung Ayaw Mo Na Sa Akin’’ at Kala ‘‘Jeepney’’.

Si Yeng Constan­tino ang llamado sa Best Performance by a New Female Recording Artist para sa kanyang ‘‘Hawak Kamay”. Mahig­pit niyang kalaban si Sitti para sa kantang ‘‘Para Sa Akin.’’

Ang sabi ng kanyang mga fans, deserving naman si Aaron Agassi ‘‘Calculate It’’ upang magwagi ng Best per­formance by a New Male Recording Artist trophy. Ayaw naman pumayag ang mga taga­hanga nina Gian Mag­dangal ‘‘Himala,’’ JR Siaboc ‘‘Hilot’’  at Jim­my Mar­quez ‘‘Ta­nging Ikaw’’.

Sa album of the Year, marami ang boto para sa ‘‘Relevance’’ ni Gary Valenciano. Ang ma­hig­pit na kaagaw ni Gary V sa tropeo ay ang Ka­mikazee para sa ‘‘Ma­harot’’ album at Sponge Cola na hina­hangaan sa kanilang ‘‘Transit’’ album.

Sa Best Selling al­bum category ang lahat ay nagsasabing walang kalaban ang ‘‘Kami­nAPO Muna.’’ Ito kasi ang pinakamabiling al­bum last year at naka­benta ng mahigit four times platinum. Sa award na ito kasi, sales lang ang tanging ba­sehan.

Ang ‘‘In Another Life­time’’ ni Gary V ang napipisil naming Best Ballad recording: ang ‘‘Narda’’ ng kamikazee ang best Rock; at ang ‘‘Calculate it’’ ni Aaron Agassi ang Best Dance recording.

*  *  *

Tulad ng pinangako ni Senate President Manny Villar bago mag-eleksyon, pagtu­tuunan niya ng pansin ang pagtulong sa in­dustriya ng pelikula.

Ang mungkahi niya sa mga movie industry leaders, makipag-dialo­gue sa mga congress­man, lalo na sa Ways & Means Committee, na in-charge sa film in­dustry.

‘‘Kailangan kasi mag­­­­simula sa Lower House ang panukala, bago namin aksyunan sa Se­na­do”, paliwanag ni Senate President Villar.

“Kapag nakarating na sa amin ito, madali ng suportahan ng mara­ming Senador ang isang batas.’’

Ayon kay Sen. Villar ang hiling sa kanya ni Mother Lily Mon­ter­verde ay unahin na ang taxation. Kalingan kasi talaga ng industry na mabawasan ang mga buwis upang mag-sur­vive. Kaya naman ito ang una niyang gaga­win, ang mag-concen­trate na magkaroon ng batas upang mabawa­san ang mga buwis sa pelikula.

Show comments