Kanya-kanyang tawag ang magkakapatid na Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez ng kanilang showbiz friends para mag-participate sa RRRampa for a Cause, ang two-part charity event na gagawin sa Rockwell Tent sa September 16. Kaya, magsasama sa fund-raising celebrity bazaar at fashion ang Kapamilya at Kapuso stars. More than one million ang target nilang malikom para ibigay sa Make-A-Wish Foundation at World Vision.
Aliw ang kuwento ni Ruffa tungkol kay Yilmaz Bektas. Kunwari raw ay against ito sa pagiging product endorsers nina Lorin at Venice, pero paulit-ulit pinapanood ang TVC ng Nido at teary-eyed pa. Natutuwa rin ito na kahit hiwalay na sila’t nasa Turkey ito, takot dito ang mga balak manligaw sa kanya. “I’m happy that people are afraid of Yil maz,” sabi nito.
Nagsu-shooting na si Ruffa ng Desperadas at magsisimula na silang mag-shooting ni Annabelle Rama ng My Monster Mom. Nabanggit ni Annabelle na after Kokey, may soap si Ruffa with Angelica Panganiban at isa pang soap bago magtapos ang kontrata sa ABS-CBN.
* * *
Ayaw magkuwento ni Jennica Garcia sa nangyari sa dinner date nila ni Mart Escudero sa Next Door Restaurant sa Makati City. Ang hindi nito alam, naka-post sa Internet ang litrato nila ng kapareha sa Impostora, pati ang pagbibigay sa kanya ng three red roses.
Nakuwento ni Popoy Caritativo, manager ni Mart, na nagpaalam ang young actor kung puwede silang manood ng sine ni Jennica, pero hindi natuloy. Hindi na tinanong ni Popoy kung ano ang nangyari at kami na ang magtatanong, pati kung totoong nagkaka-developan na silang dalawa.
Magandang balita kina Mart at Jennica ang nabalitaan naming natutuwa ang GMA-7 management sa dumarami nilang supporters. Kaya lang, paano sila ipu-push kung bini-build up din ang tambalan nina Mart at Kris Bernal sa Boys Nxt Door? Silang dalawa rin ang magka-pareha sa Kulam ng Regal.
* * *
Customized at made in Japan ang Coke Fame Bus na gagamitin ng 12 finalists sa Ride to Fame: Yes to Your Dreams na mapapanood mamaya sa GMA-7 after SOP. May lounge ang loob nito, reclining ang seats at complete ang gamit, pero walang CR.
Sa bus sasakay ang 12 finalists habang ginagawa ang iba’t ibang challenges na sabi ng hosts na sina Drew Arellano at Karel Marquez ay kabibilangan ng singing under water gaya nang ginawa ni Mang Jerry kay Regine Velasquez noon.
Kasama sa 12 finalists si Aaron Cadawas na nag-audition sa Boyz.Com. Tanggap siya at isa pang non-showbiz, pero inalis at pinalitan ni Manny Valera kina Joseph Bitangcol at Alwyn Uytingco. Kapatid ni Glaiza de Castro si Alchris Galura na rakista’t mahilig pala sa music.