Pinasikat ng Daisy Siete

Kung mayroon mang dapat pasalamatan si Jabo Mones sa kan­yang career, ‘yan ay walang iba kundi ang producer niya sa Daisy Siete at manager na si Joy Cancio.

Kung noon ay strug­gling lang si Jabo sa kanyang showbiz ca­reer, ngayon may naka­kaki­lala na sa kanya dahil sa pag-apir niya sa Daisy Siete mula pa noong Season 2 kung saan naging kalabtim pa niya si Rochelle Pa­ngili­nan. Naki­kilala na unti-unti ang pa­nga­­lan ni Jabo sa loob at labas ng show­biz.

Dito sa latest epi­ sode ng Daisy Sie­te Sea­son 16 entitled Ta­ba­ching­ching na pi­nagbi­bi­dahan ni Jo­pay Pa­guia, isang ma­gan­dang role na naman ang ibi­nigay at ipinag­katiwala sa kanya. Yes, maganda ang exposure ng actor sa naturang drama series na pro­duced ng Focus Enter­tainment.

Bukod sa Daisy Sie­te  ay  madalas  ding i-guest si Jabo sa iba’t ibang show ng GMA at QTV-11. Nakagawa na rin ng Indie Films ang actor kung saan pinuri ang acting niya. Happy ang nanay-nanayan at hand­ler ni Jabo na si Mom­my Chuckie sa nangya­yari sa kan­yang ca­reer. – PETER LEDESMA                           

Show comments