Dating artista ang prodyuser

May movie si Chris­topher de Leon para sa Metro Manila Film Festival. Titled Banal gagampanan nito ang papel ng isang mag­reretiro na sa kapu­lisan. Kasama niya sina Paolo Paraiso at Alfred Vargas sa di­reksyon ni Cesar Apolinario na isa ring police reporter. Ka­sama ni Boyet sina Paolo at Alfred sa SWAT para maka­sa­bay sila sa kilos at galaw ng mga tunay na SWAT.

Inamin ng magan­dang prodyuser ng Banal na si Ina Alegre at dati ring artista na inisip nitong maliit na pelikula lang ang ga­gawin nila para sa MMFF. Pero dahil pang-filmfests,  kaya  gi­nas­tusan  na  rin  ito ng kum­panya nilang Com­guilds, may mga spe­cial effects na ga­gamitin dito. Kumuha rin siya ng malalaking artista at production people.

Kapag kumita ang initial venture nila ay baka magtuluy-tuloy na si Ina sa paggawa ng pelikula. Maganda pa rin ito at pwedeng mag­balik-pelikula pero, mas type niyang ma­ging behind the scene na lang para matu­tukan ang movie pro­duction.

“Siguro pwedeng mag-cameo role na lang muna,” sey pa nito.

Rainier Castillo, Mamamatay-Tao!

Matapos na gamu­tin ang Lola Cedes ni Fredo, lumitaw din ang tunay na kulay ni Arman (Rainier Cas­tillo) dahil isa-isa niyang pinatay ang mga taong may atraso sa kanya. Pagkatapos ay binuhay naman niya ang mga bangkay para mag­hasik ng lagim sa bayan. Ma­lapit na nga bang du­mating ang pina­kama­ bigat na ka­laban nina Fantastic Man at Fantas­tic Girl? Isa pang tauhan mula sa nakaraan ni Fredo ang lilitaw.

Sundan ang ka­pana-panabik na tagpo sa Fan­tastic Man: Ang Ikalawang Laban nga­yong Sabado pag­kata­pos ng Kapuso Sine Specials.

PERSONAL: Maliga­yang pagdating sa pin­san kong si Rosalinda “Baby” Tan mula sa Paris.

Show comments