Dating artista ang prodyuser
May movie si Christopher de Leon para sa Metro Manila Film Festival. Titled Banal gagampanan nito ang papel ng isang magreretiro na sa kapulisan. Kasama niya sina Paolo Paraiso at Alfred Vargas sa direksyon ni Cesar Apolinario na isa ring police reporter. Kasama ni Boyet sina Paolo at Alfred sa SWAT para makasabay sila sa kilos at galaw ng mga tunay na SWAT.
Inamin ng magandang prodyuser ng Banal na si Ina Alegre at dati ring artista na inisip nitong maliit na pelikula lang ang gagawin nila para sa MMFF. Pero dahil pang-filmfests, kaya ginastusan na rin ito ng kumpanya nilang Comguilds, may mga special effects na gagamitin dito. Kumuha rin siya ng malalaking artista at production people.
Kapag kumita ang initial venture nila ay baka magtuluy-tuloy na si Ina sa paggawa ng pelikula. Maganda pa rin ito at pwedeng magbalik-pelikula pero, mas type niyang maging behind the scene na lang para matutukan ang movie production.
“Siguro pwedeng mag-cameo role na lang muna,” sey pa nito.
Rainier Castillo, Mamamatay-Tao!
Matapos na gamutin ang Lola Cedes ni Fredo, lumitaw din ang tunay na kulay ni Arman (Rainier Castillo) dahil isa-isa niyang pinatay ang mga taong may atraso sa kanya. Pagkatapos ay binuhay naman niya ang mga bangkay para maghasik ng lagim sa bayan. Malapit na nga bang dumating ang pinakama bigat na kalaban nina Fantastic Man at Fantastic Girl? Isa pang tauhan mula sa nakaraan ni Fredo ang lilitaw.
Sundan ang kapana-panabik na tagpo sa Fantastic Man: Ang Ikalawang Laban ngayong Sabado pagkatapos ng Kapuso Sine Specials.
PERSONAL: Maligayang pagdating sa pinsan kong si Rosalinda “Baby” Tan mula sa Paris.
- Latest