Juday, marunong tumanaw ng utang na loob

Ngayon si Judy Ann Santos naman ang nag­sasabing hindi siya aalis sa kanyang home network. Kung iisipin, mas nauna ngang may kumalat na tsismis na baka lumipat siya sa GMA 7 dahil sa ginawa niyang pelikula sa GMA Films. Iyon ay noong hindi pa man malay pag-usapan ang mga tsismis na lilipat sa ABS-CBN si Angel Loc­sin.

Pero naniniwala ka­mi sa sinasabi ni Juday, dahil kung iyan o kaya ang kanyang manager ay lihim nang nakikipag-negotiate sa Channel 7, kagaya ng ginawa ng manager ni Angel nang magpasiya silang lumi­pat sa Chan­nel 2, hindi na gagawa pa ng denial ang sinu­man sa kanila. In the first place, hindi kami nani­niwala na papasok sa isang secret nego­tia­tions ang man­ager ni Juday, dahil nagsi­si­mula pa lang ng usa­pan ay alam na ng lahat ng tao kung ano ang pi­nag-uusapan nila. Very trans­parent yang si Alfie Lorenzo. Hindi mo ma­susubukan yan na nag­tatago ng kahit na ano, lalo na nga kung con­cerned talaga ang ca­reer ng kanyang mga alaga.

Siguro ang kaibahan ni Alfie, professional talent manager kasi siya. Hindi ang panan­da­liang advantage la­mang ang kanyang ini­isip kundi ang katayuan din ng kanyang sariling ca­reer bilang isang ta­lent manager. Aba kung ma­sira ka dahil sa isang talent lang, papaano ka pa nga ba makakabawi pag­dating ng araw?

Isa pa, si Juday na­man talaga ma­ru­nong tumanaw ng utang na loob. Tingnan nga ninyo, noong mag-cele­b­rate siya ng kan­yang an­ni­ver­sary pati na yong kauna-unahan niyang manager, pina­salama­tan niya. Eh ang ibang stars, naaalala pa ba nila kung papaano at kung kanino sila tala­gang nagsi­mula?

*  *  *

Nilinaw ng sexy star na si Asia Agcaoili na totoong laman ng kan­yang bagong video na Bedtime Stories ay mga totoong pangyayari nga sa kan­yang buhay. Siguro hindi naman ga­noon katindi talaga ang mga pang­yayari, pero sina­sabi ngang may­roon naman silang cine­matic li­­cense para ga­win kung ano ang mga pagba­ba­gong ma­gi­­­ging ma­ganda para sa ka­nilang gina­wang video.

Sa ginagawa nilang video, sinasabi nga ni Asia na iminumulat nila ang kaisipan ng adult au­­dience na maaari na­mang gumawa ng video na sexy lang, hindi ka­gaya noong mga bas­tos na video na puro “scan­dal” at hinahayaan na­mang mabili sa mga bangketa.

Ang gusto nilang mang­ yari, maimulat ang masa na ang mga sexy videos ay hindi naman da­pat maging bas­tos.

*  *  *

Kinukumbinsi raw ng isang talent manager ang kanyang alagang female star na patulan na ang manliligaw ni­tong DOM na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

After all may panga­ko naman ito na magbi­bigay ng puhunan para makapag-produce ng pelikula na ang mis­mong female starlet ang bida.

Pero hindi pa rin puma­patol ang female starlet. Inaamin naman niya na hindi na siya virgin. May anak na nga siya eh. Pero kung nagka­­mali nga naman siya ng minsan, hindi na dapat pang maulit iyon. Pero sa totoo lang, may mga manager tala­gang ganyan. Walang kamo­ral-moral.

Show comments