Wala pa mang nakakakita sa diumano’y topless picture ni Katrina Halili na kumakalat daw sa Internet, marami na ang interesadong magkakopya. Sabi’y bata pa ang sexy actress sa picture, before siya mag-join ng StarStruck 1 at nag-o-audition pa lang for Viva Hot Babes.
Kapag lumabas na ang nasabing litrato, saka lang malalaman kung original ‘yun o computer generated. Kaya lang, wala kaming maalalang nakuwento ni Katrina na nag-audition siya sa Viva Hot Babes, o baka hindi lang namin narinig. Knowing her, hindi nito idi-deny kung talagang nagpakuha siya ng topless, iiyak na lang ito.
Samantala, hindi mababakante si Katrina ‘pag nagtapos ang Lupin dahil kasama siya sa Marimar na eere sa August 20 at pagkatapos nito, siya na raw ang ilo-launch ng GMA-7. Binanggit na sa amin ang project na gagawin nito, pero bawal isulat.
* * *
Masuwerte ang paglipat ni Karel Marquez sa GMA-7 dahil tatlo at magiging apat ang regular show niya sa bagong home station. Nasa SOP at Pati Ba Pintig ng Puso? siya at hosts sila ni Drew Arellano ng Coca-Cola Ride to Fame: Yes to your Dreams! na magpa-pilot sa Sunday, August 5. Kasama rin siya sa Zhaido as Dennis Trillo’s love interest.
Tuwang-tuwa itong makapareha si Dennis na “icon” daw sa Ch. 7 at mukhang hindi siya tatanggi kung magkakaroon sila ng kissing scene. Masaya rin siya sa trato sa kanya ng network at mababait sa kanya ang Kapuso stars kahit bagong lipat pa lang siya.
Twelve finalists ang maglalaban-laban for 13 weeks para maging total performer. Different challenges ang kanilang haharapin at tutulungan sila nina Kyla, Joshua Zamora at Jimmy Antiporda na diskubrihin ang kanilang musical potentials para sumikat.
* * *
Aliw kami kay Robert Woods ng PBB2 dahil three years pa lang sa Birmingham, London, tila hirap nang mag-Tagalog. Mabuti na lang at kahit heavy ang British accent, naintindihan pa rin namin. Kinailangan niyang i-adopt agad ang British accent dahil mataas ang discrimination sa pinagtrabahuhang McDonald’s.
“I have to learn the accent,” paliwanag nito.
Hirap ding aminin ni Robert kung nanliligaw siya kay Saicy Aguila na nali-link sa kanya, pero halatang kinikilig ‘pag sila’y tinutukso. Ang alibi nito’y aalamin pa kung ano ang gusto ng dalaga bago siya umamin.
Napanood na sa ASAP, Deal or No Deal, Boy & Kris, at Love Spell si Robert at baka mag-guest sa Your Song. Matutuwa siya kung makasama ang mga crushes niyang sina Kristine Hermosa at Angel Locsin na hindi malayong mangyari lalo’t lilipat sa ABS-CBN ang huli.
Abangan si Robert at ang ibang taga-PBB sa mall tour nila sa Davao sa August 19. Kumpleto raw silang darating para magpakita sa mga Davaoeños.
* * *
May tiket na kami para sa Festival Opening night ng 9th CineManila International Film Festival na gagawin sa Gateway Cineplex 10 Lobby sa August 8. Bukod sa ibinigay ni Nestor Cuartero, binigyan din kami ng invite ni director Tikoy Aguiluz.
Bukod sa movies from 40 countries na mapapanood sa CIFF, may showcase rin ng nine best Filipino films na pinalabas mula 1999-2007 as part of it’s non-competition exhibition at hahatiin sa Filipino (35mm) at Filipino (digital).
Kabilang sa 35mm Filipino film category ang Magnifico ni Maryo J. delos Reyes, Bayaning Third World ni Mike De Leon ay Batang West Side ni Lav Diaz.
Sa digital category, ipapalabas ang Kubrador ni Jeffrey Jeturian, Ang Daan Patungong Kalimugtong ni Mes de Guzman at Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ni Aureus Solito.
Tatakbo ang 9th CIFF mula Aug. 8 hanggang 19, at Aug. 17 to 19 sa Boracay. For more information, log on to http://www.cinemanila@gmail.com.