Wedding singer

First time na ku­manta sa isang kasal ang tinaguriang Asia’s child pop star na si Farizzha Diro. Dati kasi ay sa mga malls lamang siya nagsu-show.

“Okay lang kasi puro mga relatives ko ang audience, hindi pa nila ako nakikitang mag-perform. Nagus­tuhan naman nila, ma­rami ang pumuri sa akin after the reception,” anang pambato ng Philippine Music Training School na mahigit sa limang awitin ang ipinarinig dun mismo sa kasal at pagkatapos ay sa reception ng wedding nina Datu Zabeda Zainon at Bai Alma A. Matabalao na pinsan niya. Dahil sa kasal,  hindi niya napuntahan ang practicum concert (level 2) ng PMTS na kung saan siya ay nag-aaral. — BING ADORNA

Show comments