Ryan, di makatingin ng tuwid kay Mother Lily
Kung walang mababago sa
Wala pang detalye at ‘di pa nga alam kung sino ang director at ang makakasama ni Robin sa second primetime show niya sa Ch. 7. Ang istorya nito’y galing sa isa sa limang komiks na ilo-launch ni Carlo J. Caparas sa September 4. Hindi lang kami sure kung aling komiks at kung sino ang sumulat.
* * *
Hindi naniniwala si Ryan Agoncillo na aalis sa ABS-CBN si Judy Ann Santos para lumipat sa GMA-7. Kapipirma lang daw ng girlfriend ng kontrata sa Ch. 2. “I don’t think it will happen soon, but she made a movie with GMA Films,” wika nito.
Tuwang-tuwa pala si Ryan sa presscon ng My Kuya’s Wedding dahil natupad na ang dream niyang maging Regal baby. Fan ito ng movies ng film company lalo na ang Shake, Ratlle & Roll series na laging inaabangan sa Metro Manila Film Festival.
Ibinuking din nito ang sarili na starstruck siya kay Mother Lily at hanggang ngayon, hindi pa rin siya makatingin ng tuwid sa kanyang producer. Siguro naman, ‘pag ginawa na nila ni Judy Ann ang movie nila sa Regal next year, masasanay na siya sa producer.
Si Ryan din ang nagpaalalang birthday presentation ni Mother Lily ang MKW, dahil birthday ng producer sa August 19 at sa Aug. 29 naman ang showing ng movie. After the presscon last Saturday, ginanap ang cast party sa Café Karavana na ipinang-imbita ng TV host-actor. – NITZ MIRALLES
- Latest