Sana hindi jinx si Maricris

Matured tingnan sa tunay niyang edad na 19, ang bagong grand winner ng Pinoy Pop Superstar na si Maricis Garcia. Lalo pa siyang nagma-ma­ture  sa tipo ng music na kanyang kinakanta.

 Kaya nag-iisip tuloy mabuti ang GMA kung paano siya ipa-pack­age.  Dasal din ni Ma­ricris na mabasag niya ang sina­sabing jinx effects ng mga na­unang cham­pions ng nasabing con­test at nang umabante ang kan­yang career.

Aminado si Maricris na madali siyang nag-mature hindi lang sa looks kundi maging sa kanyang pananaw sa buhay.  Sa edad na 15 ma­agang nasabak sa trabaho as a singer si Maricris. Nalibot na niya ang lahat ng lounge at hotel sa buong Me­tro Ma­nila lalo na ang Ca­lesa Bar kung saan si­ya may regular shows bago siya nag-try sumali sa Pinoy Pop Super­star. At ngayon ay unti-unti na si­yang nag­mamarka sa SOP sa kaka­iba niyang atake.

Bunso sa apat na mag­ka­kapatid si Mari­cris.  Isang house­wife ang mommy niya at proj­­ect su­per­visor na­man ang kanyang  dad­­dy sa isang con­s­truction firm.

Hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin si Maricris sa kanyang pagkapanalo.  Naki­kilala na raw siya sa mall at sobrang busy na si­ya ngayon. Tu­migil siya as Tourism student sa La Con­solacion.  Pangarap ni Ma­ricris maging flight stewardess na 5’ 7 ang height at bawal pang mag-bf.

In fairness, magan­da ang rehistro ni Mari­cris tuwing Linggo sa SOP number nilang “World Stars.”  At tala­gang angat ang kan­yang per­formance.

“Hindi ko kaila­ngang bumirit.  I just see to it, I give elegance to the songs I sing.  Nag­ka­karo’n ng tatak kaya nagiging unique at sophisticated ang dating!”

Show comments