Please lamang ay huwag nating ihambing si Mac Alejandre kay Laurice Guillen as far as directing the sinenovela for TV, ang adaptation ng Kung Mahawi Man Ang Ulap. Iba naman ang movie presentation sa television na maraming dapat isaalang-alang dahil tatakbo ito sa TV for one season.
Aminado si Direk Mac na sobrang ganda ang pagkakadirek ni Laurice ng classic novel na hinango sa komiks. “More than pressured, I was inspired,” ang kanyang winika.
Huwag din ihambing ang akting nina Nadine Samonte at Dennis Trillo sa acting ng orihinal stars na sina Christopher de Leon at Hilda Koronel. That would be most unfair since the new set of young stars ay may kanya-kanyang style of acting.
Kasama rin sa cast ng Kung Mahawi Man Ang Ulap sina Gardo Versoza, Tommy Abuel, Iwa Moto at Tyron Perez. Sa July 30 na ang simula, pagkatapos ng Pati ba Pintig ng Puso sa Dramarama sa hapon ng GMA 7. – REMY M. UMEREZ