Magandang abogada, gustong magka-anak kay Ted Failon!

Siyam na buwan na silang magkare­ lasyon ngayon ni Angelica Pa­ngani­ban, pag-amin ni Derek Ramsey, pero hindi niya masabi kung kailan ang eksaktong araw ng pagiging magka­relasyon nila.

“Wala kasi kaming ganun. Hindi naman sa nababaduyan kami, pero wala talaga kaming monthsary, wala kaming particular date na ina­alala,” sabi ng gwapong aktor.

Basta sa pagkaka­alam niya ay siyam na bu­wan na silang nagka­kapa­laga­yang-loob ng ma­gandang dalaga, mahal nila ang isa’t isa, espesyal ang bawat araw ng kanilang pag­kikita-pagsasama.

Magandang kumbi­nas­yon, sabi nga ng mga nag­ma­masid dahil gwa­po si De­rek at ma­ganda na­man si Angel. Ayon sa binata ay na­pa­kadaling mahalin ni Angelica dahil mabait at malambing ito, bukod pa sa marami silang pi­nagkakasun­duang ba­gay-bagay.

“Simple siya, sincere, saka ipaglalaban ka talaga niya,” papuri ni Derek Ramsey sa kan­yang girlfriend.

Medyo kalmado na siya ngayon dahil muk­hang tumigil na sa ka­susunod sa kanya ang isang lalaking ipinala­lagay nilang stalker, mula nang ireklamo niya sa security office ng ABS-CBN ang lalaki ay hindi na ito napagkikita nga­yon sa kanyang taping, kaya relax na siya.

“Ganun pala yun? Mahirap pala yung me­rong laging nakasunod sa iyo kahit saan ka mag­punta. Imagine, hang­gang sa taping namin sa Batangas nakasunod siya? Nung one time na nasa waiting area ako ng Ysabella, meron akong naririnig na sumusutsot sa akin, may gumagalaw din sa may puno.

“Nandun yung lala­king long haired, na­katingin sa akin, naka­katakot ang itsura niya. Pero ang pinakamatindi, eh nung paalis na ako, pagsakay ko sa car, patakbo siyang sumu­sunod!

“I didn’t know what to do, masyado na siyang gumagawa ng mga ba­gay na ikakakaba ko, kaya nagsabi na ako sa EP namin. Sila na ang  nagsabi sa security force na huwag nang papa­sukin yung lalaki sa set ng U Can Dance at sa taping ng Ysabella,” kwento pa ni Derek.

Ang gusto ng kan­yang stalker ay sa kanya tumira, gusto raw nitong maging PA (alalay) ng gwapong aktor, isang ba­gay na impo­sibleng mang­yari.

* * *

Naaawa kami sa isang ma­ga­ling na aktor na meron nang karelas­yon ay hindi na­man ma­kalantad sa publiko. Wa­lang kwes­tiyon sa ka­nilang pag­mamahalan, ang isa’t isa ang kanilang ins­pirasyon, pero mara­ming huma­harang sa kanilang re­lasyon.

Tanggap naman ng aktor na mangyayari talaga yon dahil hindi pa gaanong plantsado ang kanyang personal na buhay, kailangan pa nilang maghintay ng karelasyon niyang ak­ tres, kaya lang ay na­lulungkot pa rin ang kanilang sitwasyon.

Mahal na mahal ng aktor ang kanyang girl­friend, pero hindi naman sila makalantad, hindi sila pwedeng makitang magkasama sa labas dahil siguradong mala­king kontrobersya ang kauuwian nun.

Pero mahal na mahal namin ang aktor na ito, sa kabila ng kanyang kasikatan ay tagumpay ay tulad pa rin siya ng dati, walang kaere-ere at hindi nakakalimot sa kanyang simpleng naka­raan.

Swabeng-suwabe niyang dinala ang mga swerteng dumarating sa kanyang buhay.

* * *

Huwag naman sa­ nang ikalalaki ng ulo ng magaling na anchor­man-broadcaster na si Ted Failon, pero meron kaming kakilalang ma­gandang abogada na ang tanging hiling ay ang magkaanak sa kanyang idolong mamamahayag.

Parang hindi kapani-paniwala dahil propes­yonal ang babae, ma­ganda pa, pero kahit sinong manliligaw nito ay mukhang walang pag-asang mapagtagum­payan ang kanyang puso dahil kay Ted.

Maasim talaga itong si Ted Failon sa mga kababaihan at hindi lang yun, may mga kakilala rin kaming bading na siya ang iniilusyon.

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan naming badichi mula nang mag­ karoon na ng tele-radyo ang DZMM, araw-araw na raw nilang napapa­nood ang matapang na newsman, mas gusto nilang nakikitang kaswal na kaswal lang ang it­sura ni Ted Failon sa pang-umagang progra­ma nila ni Korina San­chez kesa sa pormal niyang gayak sa TV Patrol World.

Komento ng kaibigan naming bading na laging nakatutok sa mga pro­grama ni Ted. “Ang yummy-yummy niya! Parang ang sarap niyang magmahal! Basta!”

Hay, naku! 

Show comments