Gatecrashers bawal sa b-day ni Dolphy
Bukas na ng gabi ang pinakahihintay na birthday bash ng king of comedy na si Dolphy.
Isang malaking party ang inihanda at babalikan ang panahon ng 1920’s.
Strictly invitational – bawal ang gatecrashers dahil nakalagay sa invitation na “gatecrashers will be sent directly to jail,” pero with matching smiley.
Sa Chinese calendar, 80 years old na ang ace comedian. Bawal kasing i-celebrate ang mga 9 na ending ng birth date so since 79 ang real age niya, instant 80 years old na siya.
Gaganapin ang celebration sa Villa Immaculada and dinner starts promptly at
Nakalagay pa sa invitation na “come in your ritzy and swanky gangster suits, zoot suits, wing tipped shoes, flapper dresses, pearls, boa feathers, long satin gown. May naghihintay na premyo sa mga maga-outfit.
“Don’t be a flat tire and scram after dinner. A band will play your favorite 20’s tunes so that the ladies can bring their gams to the dancefloor. Giggle water will be served as we set up speak easy bars for the night. Get ossified, spiffilated. Have an enjoyable time – whoppee!”
* * *
Literal na yung dating ugly na admitted naman sila, transforms sa kakaibang ganda at confidence after nilang maayusan ng Hollywood affiliated cosmetic and dermatological clinic, Beverly Hills 6750 sa one-of-a-kind search na Miss Ugly (No More).
Actually, never sigurong pumasok sa isip nilang tatlo na magiging ganun sila gaganda - especially nang magkaroon ng final night three days ago.
Ang tatlong finalist – Ma. Luisa Ramos, 23, of Tondo, Manila, Jeralyn Escorel, 27, of Antipolo City and Lou Victorioso, 31, of Bulacan ang binigyan ng chance ng Beverly Hills 6750 dermatological, dental and aesthetic surgical procedures sa loob ng tatlong buwan.
Tagumpay. Siguradong umabot sa milyon ang nagastos sa kanila kung susumahin dahil ang dating sobrang taba ay naging slim at lumaki ang mga boobs nila.
Ang laki rin ng mga napanalunan nilang premyo.
Actually, bago sila napiling tatlo, maraming nagkainteres na sumali sa nasabing timpalak.
Nagwagi sa kanila si Lou na magaling ding kumanta at siya ngayong magiging spokesperson ng Beverly Hills 6750 para mag-spread ng balita particularly sa katulad niya na di inisip noon na kahit kailan ay magiging ganun siya kaganda.
Kaya kung may datung kang pambayad, wala talagang imposible para hindi gumanda. Ang daming paraan. Punta lang kayo sa Beverly Hills dahil marami silang mga doctor na expert sa field of plastic surgery, dermatology and aesthetic dentistry. Dala kayo ng photo ng gustong kopyahing mukha siguradong hindi magtatagal, maglalakad kayong nakataas ang noo.
* * *
Maraming nakapansin kay Precious Lara Quigaman sa presscon ng That’s My Doc na kailangan niya ng make over.
Parang hindi raw siya masyadong conscious sa kanyang physical appearance lately at kahit sa kanyang photo na distributed during the presscon ay hindi masyadong glamorosa.
Comment ng isang bading, nabawasan ang appeal ni Precious Lara after na manalo siyang Miss International.
“Sayang naman. Up to now, parang hindi siya gaanong napapansin,” comment ng bading na parang nagmamalasakit naman.
Anyway, mas pinili ni Lara na maka-partner si Aga Muhlach sa That’s My Doc kesa sa isang noontime show. Matagal na raw kasi niyang gustong makasama si Aga na Kuya ang tawag sa actor.
Mapapanood ang That’s My Doc every Sunday after
Pero exciting ito dahil matagal na nating hindi napapanood si Aga sa TV na nagpapatawa.
More than a year ago pa ang huling show niya.
Doctor Aga uli siya rito. But this time, pedia siya rito. Dati kasi betenaryo.
- Latest