“Birthday mo, pero ako ang niregaluhan mo. Akala ko pa naman, eh kami ang magreregalo sa iyo, pero ikaw pa ang nagregalo sa amin,” na kangiti pero nangingilid ang luhang sabi sa amin ni Lani Mercado bago sila umalis ni Senator Bong Revilla sa aming kaarawan.
Walang nagmaniobra sa kanilang pagkakasundo ni Rosanna Roces, ang totoo ay suntok sa buwan ang pagdalo ng aktres sa aming selebrasyon, dahil ayon kay Osang nung mag-text ito sa amin nung Martes nang hapon ay ipadadaan lang daw nito ang regalo nilang mag-iina dahil meron itong bronchitis.
Pero takdang panahon na nga siguro para magkaintindihan sila, nagkrus ang kanilang landas, samantalang niyayaya na ni Lani si Senator Bong na dun sila pumuwesto sa kinau upuan ni Tirso Cruz III.
Malaki ang second floor ng Metro Bar, may dalawang hagdan paakyat dun na kapag nasa kanan ay napakalayo na ng distansiya mo sa mga nasa kaliwa, nasa dulong kaliwa si Pip na gustong puntahan ni Lani.
Dun umakyat sa kanang hagdan si Osang walang ka-alam-alam na nandun pala ang mag-asawa. Marespeto talaga si Senador Bong, dahil nang makita nitong padating ang kanyang balaeng hilaw ay agad itong tumayo, nagkatitigan naman sina Lani at Osang na ang kinapuntahan ay positibo.
Maganda ang eksena, nagyakapan-nagbeso ang dalawa, kitang-kita namin ang sinserong pagtanggap ni Lani sa aksidente nilang pagkikita ni Rosanna.
Sabi nga ni Osang, “Hindi puwedeng hindi kami magkasundo dahil merong isang batang nag-uugnay sa amin. Sa ayaw namin at sa gusto, kailangan namin magkasundo dahil nandiyan si Budoy na apo namin na pareho naming mahal.”
Sabi naman ni Lani, “Ka ninang papunta kami dito, meron akong ibang naramdaman. Nagdasal ako sa CR, iba kasi ang pakiramdam ko. Ito pala yun. Salamat kay Lord,” sinserong pahayag ng aktres.
* * *
Ginagamit paminsan-minsan ni Osang ang puting Pajero na ibinigay ni Senador Bong para sa kanyang apong si Budoy, nagiging isyu ngayon ang paggamit ni Osang sa nasabing sasakyan, pero mabilis naman ang paglilinaw ng aktor-politiko.
“In fairness kay Osang, nung mag-usap kami, sinabi niya sa akin na gagamitin niya yun kapag may malalayo siyang location, yung maliit munang kotse niya ang gagamitin ni Gab.
“Artista rin ako, alam kong mahirap magbiyahe kapag maliit ang sasakyan, saka kailangan niya yun para sa kanyang mga gamit,” maginoong paliwanag ni Senador Bong.
Nung tawagan ni Osang si Senador Bong, ang gusto niya sana ay paabonohan muna ang sasakyan sa aktor-pulitiko at huhulugan na lang niya yun buwan-buwan, pero hindi pumayag si Senador Bong.
“Kinabukasan, tumawag sa amin si Jolo, ang sabi niya, ipadadala na raw nila ang Pajero. White ang kulay, dahil kapag nag-uusap sila ni Budoy at tinatanong siya ng lolo niya kung anong kulay ng car ang gusto nya, white ang sinasabi ng bata sa kanya,” kwento naman ni Osang.
Salamat naman at natuluyan na rin ang pagkakasundo ng dalawang kampo, totoo ang kanilang katwiran na mag-iwasan man sila ay walang mangyayari, dahil may isang batang nagdudugtong nag-uugnay sa kanila.
Magkasundo na sina Grace Adriano at Jolo, tanggap na nila ang katotohanang hanggang dun na lang ang napakamusmos nilang relasyon, meron nang ibang boyfriend ngayon si Grace at si Jolo ay meron na ring girlfriend na nakita na nang personal ni Grace.
“Tumatawag siya kapag magpapadala ng sustento kay Gab, maayos naman po kami, tapos na ang mga away-away na min pareho na kaming masaya ngayon,” nakangiting sabi ni Grace.
Ang milagro nga namang nagagawa ng pre sensiya ng isang munting anghel.