Nasa London na ang manager ni Angel Locsin para samahan ang alaga sa pagbili ng mga gagamitin sa iskwela. Pero ilang araw lang siyang titigil dun dahil pupunta pa ito ng Paris para magbakasyon sandali.
Sinabi ng manager na napakaganda ng lugar at friendly ang mga tao dun. “Angel is one lucky woman to experience this wonderful opportunity to study. What she needs is a career plan that will make her grow not just as an artist but as a person and to gain knowledge about the fashion world in London,” aniya.
Idinagdag pa ng manager na kapag umalis na siya ng London ay magiging normal na estudyante si Angel na nakatira sa dorm.
“She will be on her own at wala siyang assistant. It will be a great experience for Angel,” anang manager.
Mga Celebrities Sa Sona
Nagkaroon kami ng pagkakataong makadalo sa SONA ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Lunes bagaman at si PGMA ang bida sa nasabing okasyon, maraming celebrities ang nagtangkang makibahagi sa kanyang ningning.
Sweet na sweet naming nakita ang mag-asawang Dawn Zulueta at Anton Lagdameo; Shiela Ysrael at Dan Fernandez; Assunta de Rossi at Jules Ledesma at Lani Mercado-Bong Revilla.
Ang gaganda ng mga kasuotan ng mga asawa ng senador at mga kongresista. Para silang nagpapaligsahan sa ganda ng gown.
Dun lang namin nalaman na miyembro na pala ng congressional spouses si Dawn na napakaganda pa rin. Maraming nagpapakuha ng larawan kasama siya. Alam namin kung gaano katensyonada si Manay Gina de Venecia habang ginaganap ang eleksyon pero nang matapos ang halalan ay saka lang ito nakahinga ng maluwag at panay ang ngiti sa mga tao habang siya’y binabati.
Miss Ugly (No More) Winner
Makakasama ngayong Huwebes sa isang oras na chikahan, kantahan, sayawan at kakaibang challenge ang Studs with Mike Tan, Dion Ignacio, Felix Roco, JC Cuadrado, Lance Onate, Edgar Allan, Kevin Santos kasama si Joy Viado at dalawang nagseseksihang Kapuso stars.
Kasama rin ang winner ng Beverly Hills 6750 Ms. Ugly (No More) at update sa dance reality show ni Billy Crawford na Move.