“Bakit kailangang maghiwa-hiwalay ang mga artista?” – Aga Muhlach
Pumapalakpak ang mga tenga ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Aga Muhlach sa presscon ng kanyang bagong sitcom sa ABS CBN, ang That’s My Doc.
Sinabi ni Aga ang kanyang opinyon pero mas gusto kong tawaging sentimyento sa nagiging paghihiwa-hiwalay ng mga artista ngayon.
“Dying na kung tawagin ang ating local entertainment industry pero, bakit hindi pa pwedeng magsama ang mga artista ng Siete at Dos? Bakit kailangang maging divided ang mga artista? Kung merong mga pelikula, bakit hindi pwedeng mag-promote ang mga artista ng Dos sa Siete at ang mga artista ng Siete sa Dos?
‘Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang magpatayan ang mga artista gayong ang dapat lamang naming gawin ay pagandahin ang aming mga shows para mapasaya ang mga tao at wala kaming iisipin na patayin ang aming mga kalaban?”
Ang ganda hindi ba? First time ko na may marinig na artista na magsalita ng ganito.
Pinabilib talaga ako ni Aga. But then nasa posisyon na naman siya para makapagbigay ng ganitong opinion. Maraming katulad niya ang may takot pa na ilabas ang nararamdaman nila. Takot sigurong mawalan ng pelikula, programa sa TV o anumang assignment, takot maka-antagonize ang mga bosses.
Pero, si Aga has reached that level that he could say his piece na walang pwedeng pumigil sa kanya o matatakot sa magiging resulta ng mga sasabihin niya.
Going back to That’s My Doc, doktor na naman ang role niya, pero doktor ng tao at hindi ng mga hayop na katulad ng role niya sa isang naunang sitcom.
Ipinapanood sa amin ang trailer ng sitcom, in fairness, nakakatuwa. Andun na naman ang masayang tandem nila ni Roderick Paulate na talagang hinangaan ko sa Oki Doki Dok. Plus si Bayani Agbayani na binigyan ng bagong kapareha in the person of Pokwang. Kasama pa rin sina Nova Villa, JC de Vera, Eda Nolan at Celene Lim.
Bagong ingredient naman si Lara Quigaman.
Direksyon naman ni Danny Caparas.
* * *
Patok talaga sa akin ang mga album ni Jose Mari Chan. Lalo na itong latest album niya na ang mga kanta ay sumikat nung kabataan ko at dahilan sa music lover ako kung kaya’t mga kabisado ko. Idagdag mo pa ang pangyayaring guitar person ako, at ang kilalang-kilang tunog sa album ay ang taginting ng gitara kaya’t ang “Jose Mari Chan Love Letters and Other Souvenirs” is something to look forward to, buy and collect ng mga mahihilig sa mga magagandang awitin na katulad ko.
Just consider the content: “How Do You Fall In Love”, “ You & I”, “ My Foolish Heart”, “Love Letters”, “ So In Love”, “I Just Want To Dance With You” at marami pang iba.
My mga duet numbers siya with Agot Isidro (“Moonglow”, Theme from Picnic), Rachelle Gerodias (“If We Were In Love”), Samantha Chavez (“Unexpected Song”) at Suzy Unas (“Our Love Is Here To Stay”.
May mga guest singers sa album, like Liza Chan-Parpa, his daughter (“We Can Be Kind), Jose Antonio Chan, his son (“God Only Knows”), Aiza Seguerra (“Just For A While”) at Laine Laudico (“April Fools”).
* * *
- Latest