TV host kaliwa’t kanan ang utang

Kanya-kanyang dis­kar­te ang mga artista sa kanilang career. Minsan hindi mo alam kung ba­kit sila tumatanggap ng tra­bahong mukhang hin­di nababagay sa ka­nila. Pero naroroon na iyon eh, natanggap na nila. Minsan ang katu­wiran ay, ‘trabaho lang iyan’.

Nabanggit lang na­min ‘yan dahil kagaya nga ng sinasabi namin noong araw, naroroon ang pe­ ligro na ma-type­cast na si Keempee de Leon bilang isang ba­ding.

Ngayon hindi na siya gumaganap ng isang character, host siya ng isang reality show na ang sistema ng hosting ay bading pa rin.

Nakakahinayang dahil ang isang dating sikat na matinee idol, at isang mahusay na dra­matic actor, ngayon ay wala nang ginagawa kung di nagbabading-badingan sa telebisyon para sa pera. Malaki rin ang kita at mas mabuti na kaysa sa wala.

Pero hindi ba naka­ka­hinayang naman na ang isang mahusay na artista ay masa­sayang sa mga ganoong klase  ng trabaho lamang?

* * *

Alam ba ninyong noong araw na hindi pa siya sikat, ang isang sikat na ngayong tv host ay may ugaling napa­kahilig mangutang sa kanyang mga kaibigan, at magsuot ng damit ng may damit? Ang totoo pala, hanggang ngayon ay marami pa rin siyang mga utang noong araw na hindi niya naba­bayaran, o wala na siyang planong baya­ran. Kaya nga kahit na sikat na siya ngayon, hindi pa rin siya maka­pagmalaki dahil sa dami ng pinagka­kautangan niya noong araw.

Show comments