Simula sa Lunes, July 23, magsisimula na ang bagong programa sa umaga ng UNTV, ang Good Morning Kuya hosted by Daniel Razon. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 4:45- 9:00 NU.
Primary concern ng bagong program ang pagpapatuloy ng pinaigting na public service, interactive interviews at news reporting.
Para makakuha ng pinakabagong mga balita,10 patrol cars ang binili at isang OB van na magagamit ng programa.
Bagaman at maraming makakasama sa programa si “Kuya”, siya muna ang pansamantalang tatayong bida dahil may dalawang taon din siyang nawala.
Mayro’n siyang makakasamang mga personalidad na mula sa isang major network. Malalaman ang kanilang identity sa pagsisimula ng programa.
Bahagi rin ng bagong programa ang medical mission at legal consultation.
Bahagi rin ng public service ang UNTV Libreng Sakay na kung saan dalawang bus nila ang tatakbo mula Monumento hanggang Baclaran at mula Baclaran pabalik ng Monumento. Dalawa ang magiging biyahe nito sa umaga at dalawa rin sa hapon.
May mga 30 na ang pinapag-aaral ng UNTV na mga anak ng mga napatay na mediamen.
GMK is a one stop-shop social service program.
* * *
Kailan kaya gagawin ng yung kalsada naming binutas ng Manila Water? Nagawa na ng DPWH ang sinira nilang kalsada na nilagyan nila ng pipes at maganda pang lumabas ang mga bangketa. Nakakasira lamang ng view yung napakahabang bitak na iniwan ng Manila Water nang magpalit sila ng mga tubo ng tubig. Paminsan-minsan ay binabalikan nila ito para tambakan ng buhangin na tinatangay naman ng agos sa tuwing umuulan at nag-iiwan ng mas malalim pang butas. Bakit kaya hindi na lang sementuhin agad pagkatambak ng buhangin para mas lumiit ang gastos? Pera ng taxpayer yung inaaksaya nila, ah!
* * *
E-mail: veronicasamio@yahoo.com