^

PSN Showbiz

In Artes, FilAm group sa NY, ambisyong maitanghal ang kanilang palabas sa ‘Pinas

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -

Noong bumalik mu­la sa U.S. tour ng Miss Saigon ang stage actor na si Miguel Braganza III, sinimulan niya ang isang theater workshop para sa mga kababa­yang based sa New  York.

Isa ito sa mga na­ging projects ng gru­pong In Artes na pa­wang mga FilAm ang kasapi, sa pa­mumuno ni Elvie Abor­do. Nag­karoon pa ng mga fund-raising cam­paign ang In Artes USA. para makatulong sa mga nangangailangan sa Pilipinas.

Isa sa mga projects na ito ang kanilang Mr. & Miss Maganda Search. Last Wednes­day nakausap namin sila sa tulong ng sikat na singer na si Carmen Pateña. Matagal din tumira sa New York ka­ya’t kilala siya ng mga Pinoy doon.

Kasama ng grupo ang isang winner sa na­sabing contest na si Cris­tina Aldecoa. Isang college student na si Cristina sa New York at professional singer siya. In demand siya sa mga bars at music lounges doon sa New York at New Jer­sey.

Ang trip to the Phil­ip­pines ang isa sa mga premyo ni Cristina at en­joy naman siya ha­bang nasa sariling bansa.

Noon isang taon lang ay umuwi dito si Cristina upang maki­paglibing sa namatay niyang ama.

“I left the country when I was only six years old, but I have been here often,” kwen­to ni Cristina. “My dad has long been se­pa­rated from my mo­ther, so lagi ko siyang dina­dalaw dito.”

Cristina was sur­prised when she was offered a recording con­tract by Viva big boss Vic Del Rosario.

“We didn’t submit any demo CD, pina­kanta lang ako ni Mr. Del Rosario and he asked me to come back this Monday for the contract signing.”

Kaya naman pina­kanta rin namin si Cris­tina ng acapella at na­rinig namin ang tunay na maganda niyang tinig.

Dala rin nina Cris­tina at Elvie ang ma­raming check dona­tions para sa iba’t ibang charitable groups, mula sa In Artes USA. Meron silang mga ibibigay sa Gawad Ka­linga at sa Bantay Bata.

Pagbalik nila Cris­tina sa Amerika, tuloy ang kanyang pag-aaral ng Pre-Med.

Nasa Arias Theater na ang headquarters ng In Artes at dito rin nila ipalalabas ang bagong musical ng gru­po, Bam­boo Fantasy.

Sa Bamboo Fantasy isa sa mga bida si Cristina Aldeco at iba pang mga nagwagi sa Mr. & Miss Maganda search.

Si Miguel Braganza III ang sumulat at mag­didirek ng Bamboo Fan­tasy at dito mapa­pa­nood ang malawak na ka­ranasan niya sa teatro.

Bagong grupo lang ang In Artes na tinatag nina Miguel at Elvie noong 2006 sa St. Jo­seph Church sa Spring Valley, New York. Pagli­pat nila sa Roy Arias Theater ay higit na ma­raming Pinoy ang su­mali, kasama na ang mga taga-New Jersey.

Ngbibigay sila ng libreng workshop sa mga kabataang gustong maging artista sa TV, movie at stage, partiku­lar na sa mga kaba­taang FilAm sa kanilang lugar.

Ambisyon din nila Elvie ang maitanghal ang kanilang mga pa­labas sa Pilipinas.

CRISTINA

IN ARTES

PLACE

SHY

STATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with