Balik recording si Bayani Agbayani

Ang comedian turn­ed recor­ding artist na si Bayani Ag­ba­yani ay muling nagbabalik sa local music scene sa pama­ma­gitan ng kan­yang single na ‘‘Tara­radyin Potpot.’’

Ang nasabing single ay siyang latest novelty recording na napapa­kinggan sa ere sa ka­salu­kuyan. Ito ay nilikha ni Boy Chris­to­pher matapos siyang sabihan ng Alpha Music pre­sident na si Buddy de Vera na lumikha ng isang awitin na tailor-made kay Bayani. Nang ipa­rinig ni Boy Chris­to­pher kay De Vera ang kan­yang nalik­hang awi­tin, agad itong nagus­tuhan ni De Vera at dali-daling ni-record ito ni Bayani.

Ang ‘‘Tararadyin Potpot’’ ay may fun­ny lyrics with jumpy beat na sigura­dong mang-eeng­ganyo sa mga tagapa­kinig na umindak sa kanyang easy at dance­able steps. Malay niyo, ang “Tara­radyin Potpot” ang magsimula ng ba­gong dance craze na kapareho ng ‘‘Otso-Otso’’ at ‘‘Atras Aban­te,’’ ang dalawa sa mga previous hits ni Bayani na siyang nagpasikat sa kanya sa la­ra­ngan ng musi­ka.

Ang ‘‘Ta­ra­ra­dyin Pot­pot’’ ay isa sa mga fea­­­tured songs sa kan­yang latest Alpha al­bum na may pamagat na “Mr. B.” Ito ay madalas ng ma­pa­king­gan sa halos lahat ng mga top FM sta­tions. Inaa­sa­hang ma­lalam­pasan o kaya’y mapa­pan­tayan ng “Ta­ra­radyin Pot­pot” ang mga nau­nang hits ni Ba­yani Ag­ba­ya­ni. - Dearly S. Ga­naden

Show comments