Balik recording si Bayani Agbayani
Ang nasabing single ay siyang latest novelty recording na napapakinggan sa ere sa kasalukuyan. Ito ay nilikha ni Boy Christopher matapos siyang sabihan ng Alpha Music president na si Buddy de Vera na lumikha ng isang awitin na tailor-made kay Bayani. Nang iparinig ni Boy Christopher kay De Vera ang kanyang nalikhang awitin, agad itong nagustuhan ni De Vera at dali-daling ni-record ito ni Bayani.
Ang ‘‘Tararadyin Potpot’’ ay may funny lyrics with jumpy beat na siguradong mang-eengganyo sa mga tagapakinig na umindak sa kanyang easy at danceable steps. Malay niyo, ang “Tararadyin Potpot” ang magsimula ng bagong dance craze na kapareho ng ‘‘Otso-Otso’’ at ‘‘Atras Abante,’’ ang dalawa sa mga previous hits ni Bayani na siyang nagpasikat sa kanya sa larangan ng musika.
Ang ‘‘Tararadyin Potpot’’ ay isa sa mga featured songs sa kanyang latest Alpha album na may pamagat na “Mr. B.” Ito ay madalas ng mapakinggan sa halos lahat ng mga top FM stations. Inaasahang malalampasan o kaya’y mapapantayan ng “Tararadyin Potpot” ang mga naunang hits ni Bayani Agbayani. - Dearly S. Ganaden
- Latest