Direktor, pinuno ng pagkain ang kwarto ni Toni!

Very evident na  in-love ngayon ang maga­ling na TV host/singer/actress na si Toni Gon­zaga dahil sa tuwing uusisain siya tung­kol kay Paul So­riano,  ang  direk­tor  na nali-link  sa  kanya  ngayon ay  kitang-kita  ang  kislap sa kanyang mga mata.

Inamin ni Toni na dina­law na siya ng bagu­hang di­rek­tor sa ka­nilang  taha­nan sa Taytay noong nagpa­pa­hinga ito da­ hil sa aksi­den­teng na­tamo sa gina­wang com­mer­cial ad. Inamin din nito na min­san ay naloka ito nang halos punuin ng direktor ang dressing room ng mga paborito nitong pagkain nang mag-shoot sila ng music video. Kaya naman sobrang kinilig ito nang tanungin kung in-love  ito ngayon dahil agad itong sumagot ng tumataginting na “Yes”.

Sa kabilang banda, nili­naw nito na hindi nanliligaw sa kanya ang apo ng nama­yapang matinee idol na si Nestor de Villa. “Laking Tate kasi siya at hindi uso sa kanya ang ligaw-ligaw. Ayaw niya dito dahil best foot forward daw ito. Ang impor­tante ay mayroon kaming special feeling sa isa’t isa pero hindi naman ito “MU” o mutual understanding.” – ALEX DATU

Show comments